“Kahapon bangag tapos ngayon bangag ulit, may problema ka ba Nika beybi?” ani Bryant. Hindi ko siya pinansin. Sa pagkakatanda ko ay parehas kaming bangag kahapon pero ngayon ay mukhang okay na siya. Ang lakas na nga ng loob na pagtawanan ako e. Tinampal naman siya ni Miles at pinagsabihan. “Atleast itong si Nika nagpapaalam kapag hindi na papasok eh ikaw? Gago bigla ka nalang nawala!” Napatingin ako kay Bryant.Nitong nakaraang araw ay napapansin kong parang may pinagdadaanan ang isang ‘to pero hindi nalang ako nagsasalita. Alam ko naman na napapansin din iyon nila Miles at malamang ay tinanong na siya.Hindi ko lang alam kung sinabi niya. Sila lang naman ata ni boy tindero ang nagkakaintindihan. Speaking of boy tindero napatingin ako sa kanya. Kausap niya ngayon si Gigi at ang iba p

