Kabanata 26

1145 Words

“Pasensya na napagod ka ba?”  Umiling ako. Nakaupo kami ngayon sa isang bench dito parin sa loob ng campus. Hindi na kami sumunod kila Miles sa cafeteria kanina bagkus ay nagtinda nalang siya. Isang oras palang ay naubos na agad ang paninda niya. Mas marami talaga ang mga estudyante na tamad maglakad para pumuntang cafeteria kaya agad silang bumibili kapag inaalok sila nitong katabi ko. “Pawisan ka na” ani niya at inabutan ako ng panyo. Tinanggihan ko iyon at inilabas ang sarili kong panyo. Pinagpawisan nga ako.  Napatingin ako sa kaniya nang maglabas siya ng pamaymay at sinimulan akong paypayan.  “Heto tubig” ani niya at iniabot naman sa’kin ang baunan niya ng tubig.  Ang kanang kamay niya ay nagpapaypay samantalang ang kaliwang kamay naman niya ang ginamit niya upang iabot sa aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD