"Let's go?" nakangiting tanong ni Judah matapos magpalit panlakad ni Cara. Iyon na ang araw kung kailan sila mamimili ng pasalubong. Pagdating ni Cara buhat convention ay saktong katatapos lang ni Judah sa mga trabaho. Kapapatay rin lang ng laptop nito. Nakabihis naman na ito kaninang datnan niya kaya hinintay na lang siyang makapagpalit. "Yes. Tara?" nakangiting sagot ni Cara. Hinawakan na niya ang kamay ni Judah. Gusto niyang maka-holding hands ito. Sabihin nang corny iyon pero para sa kanya ay hindi. It was one of the sweet moments she wants to happen. Kahit quota na siya sa kilig kay Judah, gusto pa rin niyang dagdagan iyon. And her heart melts when Judah held her hand tightly. For her, it was a simple message that Judah would never let her go. Kilig na kilig na naman siya. Pinilit n

