"Masyado kang masikreto. Paano naging kayo ni sir?" kilig na tanong ni Terry kay Cara pagkaupo nila sa canteen. Naginit ang mukha ni Cara. Iyon ang araw na nag-report na sila sa trabaho at halatadong kalat na agad ang balita na siya ang sinundan ni Judah sa Singapore. Hindi na magtataka pa si Cara dahil alam niyang galing ang balitang iyon kina Allen. Dahil araw ng Sabado sila bumalik sa Pilipinas, hindi sila nakapasok. Hanggang Biyernes lang kasi ang pasok nila sa opisina. Dahil doon ay inubos niya ang oras kasama ang pamilya. Tuwang-tuwa ang mga kapatid ni Cara sa mga pasalubong. Wala na talagang mahihiling pa si Cara. Makita lang niyang masaya at kuntento ang pamilya, masaya na rin siya. Pero aminadong pagdating ng gabi ay kakaibang lungkot ang nararamdaman ni Cara. Madalas siyang taw

