Chapter 2

1561 Words
Napatigil ako sa paglalakad dito sa garden ng school namin.. Breaktime na namin ni Girly.. Totoo ba tong nakikita ko?! Si... si... si TATUM MIGUEL!!! NAGLALAKAD PALAPIT SAKIN! Pumikit ako ng sampung beses para masigurado kung siya nga yun.. Habang papalapit siya sakin palakas ng palakas t***k ng puso ko.. Parang matutumba ako sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.. Napahawak ako kay Girly.. "G..Gosh Girly hihimatayin ako papunta dito si Tatum Miguel!" halos pabulong kong sabi kay Girly habang hinihila ko yung uniform niya "Assumera! Naglalakad lang yan at hindi ka padin papansinin niyan hangang ngayon" kinurot ako ni girly sa gilid ng tiyan ko para bitawan ko yung uniform niya Aww ang sakit ng kurot niya.. Ibig sabihin hindi ako nananaginip... "H..hawak niya kasi yung lunch box ko girly.. mukhang isosoli na niya.. Gosh anong itsura ko? May liptint pa ba ako girly?!" Inayos ko yung salamin ko sa mata at kinagat kagat ko yung labi ko para lalong mamula "whatever! Assumera ka talaga baka isosoli niya kasi hindi niya tatangapin hahaha" hindi ko nalang pinansin yung sinabi ng best friend ko dahil tumapat sa harapan ko si Tatum miguel.. As usual nakasimangot nanaman siya,, pero eto yung unang beses na nilapitan niya ako dito sa Campus namin! Halos lumabas sa Rib cage ko yung puso ko.. Jusko Daaaay!!!! "H..Hello Tatum My Lov---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya "What is this?" Nakakunot nuong tanong niya habang hawak hawak yung lunch box ko at yung love letter ko sakanya "Ah..Eh.. L..Love letter yan p..para sayo.." Lalong dumilim yung face nya.. Huhu bakit ba hindi siya friendly? "And this?" tinaas nito yung lunch box katapat ng mukha ko Si girly naman nakasimangot lang sa tabi ko Ngumiti ako ng todo dahil di ako makapaniwalang naubos niya ang cupcakes ng mommy ko.. Ubus na kasi ang laman "Para sayo yan. Binake ni mommy para sayo sana magustuhan m---" "Tinapon ko lang ang laman nito" His cold voice is travelling deep down to my heart.. Parang nanigas puso ko sa sinabi niya "A..Ano B..Bakit mo naman ginawa yun.." "Dahil gusto ko" "P..Pero gawa yun ng mommy ko para say--" "kaya nga tinapon ko eh.. Ikaw nalang mag tapon nitong sulat mo" Binigay niya sakin yung Lunchbox ko pati na din yung love letter ko.. Kung napupunit lang ang puso siguradong punit punit na yung puso ko ngayon.. Di ako makapagsalita at nagtubig na yung mata ko.. Ang sakit naman... "S..sayo yan.. sinulat ko yan para sayo.. bakit ko naman itatapon" Halos garalgal na yung boses ko at tumulo na din ang luha ko Napansin kong naguilty siya at nabasa ko yung awa sa mata niya pero saglit lang yun dahil galit nanaman ang nababasa ko sa mata niya "Dahil ayoko sayo.. Kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan" Kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan... Kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan... Kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan.... Bawat salita na sinabi niya parang hiwa ng kutsilyo sa puso ko.. Kung kanina parang pinupunit ang puso ko. Ngayon naman parang dinurog durog ang puso ko.. Lumabo na din yung salamin ko sa mata dahil sa luha ko. "Hoy grabe ka naman makapag salita kay Ayesha! Akala mo kung sino ka! Heartbreaker beast! Umalis ka na nga dito!" Niyakap ako ni Girly habang umiiyak ako at nakatitig lang ako kay Tatum "It's for her.. Dahil masasaktan lang siya pag tinuloy niya pa yung kalokohan niya" Tumalikod na si Tatum Miguel at naglakad palayo Bago pa siya makalayo nakakuha ako ng lakas ng loob Sumigaw ako "TATUM MIGUEL! MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT AYAW MO SAKIN MAMAHALIN PADIN KITA!" Tumigil sa paglalakad si Tatum. Pero lumakad uli siya palayo.. Hindi man lang lumingon.. Isang batok ang nagpatigil sa sigaw ko "Ayy Gaga ka!" Binatukan uli ako ni Girly.. 3 times niya akong binatukan "Aray huhu Girly tama na masakit na nga puso ko pinapasakit mo pa ulo ko" Umiwas nako kay Girly "Gaga ka kasi. Para magising ka sa kahibangan mo! Binasted ka na nga ng harapan nagsusumigaw ka pa jan?" Piningot ako ni Girl at hinila palayo.. Madami na palang student na nagkukumpulan sa paligid namin ngayon ko lang napansin.. Yung ibang student nagtatawanan at nagbubulungan nakakahiya nakita at narinig nilang lahat na hinding hindi ako magugustuhan ni Tatum Miguel.. :( Pero kahit anong sabihin ni Tatum Miguel mahal na mahal ko padin siya.. Pagdating namin sa tambayan namin ni Girly iyak ako ng iyak Napatigil lang ako sa pag iyak ng tapikin ako ni girly sa balikt ko.. Mataba si Girly pero maganda siya. Best friend ko siya simula grade one kaya alam niyang first love ko si tatum. Inabutan ako ng panyo ni girly.. Kulay pink na panyo.. "Tahan na... gaga pumapanget ka lalo" inalis ko yung salamin ko at pinunasan yung luha ko "Kasi naman ang sakit sakit talaga eh.. Tinapon na nga niya yung cupcakes tapos sinabihan niya pa akong hindi niya ako magugustuhan.." Hikbi padin ako ng hikbi "Alam mo ayesha kung ako sayo tigilan mo na kasi yang pagmamahal mo sa lalaking yun. Ang sama sama ng ugali niya. palagi ka nalang niyang dinededma at di pinapansin! Tapos ngayon unang beses ka niyang lapitan pinasakit naman niya puso mo. Wala siyang kwentang tao!" "Uyy girly naman wag ka magsalita ng ganyan sa Mahal ko.. siguro masama lang pakiramdam niya ngayon at badtrip lang siya today.." "Whatever! Gaga ka talaga!" "Tulungan mo nalang akong magustuhan ni Tatum! Baka hindi niya ako gusto dahil panget ako? Baka Kailangan kong magpaganda!" "Gaga baka gusto niya magandang grades! Hindi section F!" Aray ko huhu section F kasi ako.. Last section kami ni Girly.. Section A naman palagi si Tatum.. "Edi mag aaral akong mabuti para maging section A ako!" "Bring mother ka nga bukas kay Mr. Leonardo diba hahaha" binatukan ko naman si Girly "Di ko alam kung best friend kita o anu eh!" "Aray masakit yun Ha!" "Pag di mo ako tinulungan magpaganda isusumbong kita sa mama mo. Sasabihin ko si Girly po nagmumura na po siya palagi niya po sinasabi -gaga- " ginaya ko kung paano niya sabihin ang Gaga na word. Lumaki naman mata niya sakin at kung may usok lang na lalabas sa ilong niya malamang lalabas ang usok na ito ngayon hahaha Strikto kasi ang Mama at Papa ni Girly palagi siyang napapalo haha "Namaaan eh! Sige na nga! magpatulong tayo sa ate ko" "Salamat girly!" napangiti nako.. Di ako susuko sa pagmamahal ko kay Tatum hihi "Sinasaktan mo lang sarili mo bestie eh. bakit di ka nalang mag kagusto sa iba?" "Ayaw ko nga.. si Tatum Miguel lang laman ng puso ko hihi" "Hay nako parang walang nangyari kanina ha?" "Kalimutan na natin yun bestie.. Panigurado nasabi lang yun ng Tatum my loves ko dahil bad mood siya hehe.. At kahit ayaw niya sakin di naman humihingi ng kapalit sa pagmamahal na inaalay ko sakanya e.." "Hay naku! Sige na nga!" Niyakap ko si Girly.. My super best friend Buong araw hindi ko na nakita si Tatum dahil hindi ko na siya sinundan. Ayaw ko munang magpakita saknya para di niya makita ang panget kong mukha kailangan ko munang magpaganda bago niya ako makita Kinabukasan dinala ko si Mommy sa school pinagalitan ako ni Mr. leonardo pero binigyan naman niya ako ng isa pang pagkakataon. Nagalit din si mommy sakin pero nangako ako na hindi na mauulit. "Uwian na bestie puntahan na natin yung ate mo" "Himala ata hindi mo na hihintayin mag uwian ang prince Charming mo?" "Iniiwasan ko muna siya bestie para pag nakita niya uli ako mainlove na siya sa new look ko.." "Okay fine.. pero wait lang bestie itetext ko si ate kung nasa Salon pa siya" Sa salon kasi nagtatrabaho ang ate ni Girly "Okay bestie 4pm palang naman eh" "Okay na. Nasa salon daw si Ate.." "Lets Go!" Inakbayan ko si bestfriend chubby este girly "Isama natin si Paulo" "Yung boyfriend mo? Wag na isasama pa nun yung asungot niyang kaibigan e" "Mabait naman si Steve ha? Crush ka lang nun kaya nagpapapansin sayo.. Sige na isama na natin si Paulo magagalit kasi yun eh" "Wag na bestie. yuck kadiri ayaw ko nga kay steve!" kinikilabutan ako dahil di ko gusto si steve kahit gwapo siya nakakabadtrip siya palagi niya akong inaasar "Grabe ka naman. Sikat din yun si Steve kahit papano. Champion yun sa Chess dito sa Campus natin.. Bakit ba ayaw mo sakanya?" "Basta ayaw ko sakanya please lang girly wag na natin siya pag usapan" Naiinis kasi ako kay steve eh papansin yun eh "Tska Si steve champion lang sa Chess, Eh si Tatum Champion yun s Quiz bee, Science bee, Math bee English bee lahat ng bee haha at Varsity ng basketball MVP pa. at palaging champion!" Todo ngiti kong sabi "Hay nako! Mabait naman si steve kay Tatum no.." "Mas gwapo naman si Tatum ko! Tara na nga bestie wag mo na isama si paulo!" "Okay fine itetext ko nalang sweetheart ko" "Huhu buti ka pa may sweetheart na!" Pag dating namin sa Salon ng ate ni Girly "Ang tagal niyo? May pambayad ba kayo ha?" Tanong ng ate ni Girly.. Siya si ate michi dalawa lang silang magkapatid ni girly "Opo ate meron po." May pera naman akong naipon eh "Sige simulan na natin.." Eto na simula ng pagpapaganda ko ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD