Chapter 3

1873 Words
"Ayesha?!" Ang laki ng mata ni steve ng makita ako kinabukasan. "Huy steve grabe ka naman makatingin sa best friend ko napaghahalataan ka talaga!" pangiti ngiti lang si girly sa gilid ko. Hay nako sinisira nanaman ni Steve ang araw ko.. "Bakit nagmukhang bakla ka?" Todo ngisi pa ang mokong "Pwede ba wag mong sirain ang araw ko steve! Tabi nga!" tumayo ako para iwanan sila sa mesa. Grrrrr Nandito kami ngayon sa Library.. Kahapon nagpaganda ako. Ni-rebond ni ate michi yung buhok ko. Tapos Pinabili niya ako ng contact lense. Kulay green napili ko mas bumagay daw sa mata ko dahil medyo green naman talaga ang kulay ng mata ko. So hindi ko na gagamitin ang makapal na salamin ko Inahit din ni ate michi yung kilay ko. At pinermanent curl ang pilik mata ko. Yun lang naman ginawa sakin ni ate michi cost 3500 pesos Si Girly gandang ganda sakin.. Madami din ako napansin nagandahan sakin sa loob ng campus "Joke lang Ayesha! Ang ganda mo ngayon ha?" Todo ngiti padin si steve habang sinusundan ako mamili ng libro "Wag ka nga maingay dito.. Nasa library tayo!" pabulong kong sita sakanya "Ang sungit mo talaga.. Pasalamat ka maganda ka" kinurot niya yung pisngi ko "Library to at hindi park.. Hindi kayo pwedeng magligawan dito" Napalingon kami sa nagsalita Si... Si... Tatum Miguel!!! Nakatingin siya samin ni Steve ng masama "H..hindi naman kami nagliligawan nito" Piningot ko yung tenga ni Steve "Aray! Anong hindi? Sasagutin mo na nga ako diba?" Mas lalo ngumiti si steve hinila ko na siya palayo kay Tatum Miguel.. Nakasimangot lang si Tatum habang nakatingin samin "Lalabas nalang kami pare.. Pakipot pa kasi tong nililigawan ko" pahabol pang sabi ni steve Tuluyan ko na siyang piningot.. Paglabas namin ng library kinuha ko yung bag ko sa locker room sinundan padin ako ni steve "Ayesha sorry na galit ka ba?" "Sabi ko sayo layuan mo na ko steve! panay ka kalokohan eh" nilock ko yung locker ko at naglakad nako palabas. Kainis nagpaganda ako pero di man lang napansin ni Tatum Miguel yung pagbabago ng itsura ko haaays "Sorry na.. Ginanti lang naman kita sa Tatum Miguel na yun. Nabalitaan ko kasi yung ginawa niya sayo nung nakaraang araw eh.." hinawakan niya yung kamay ko Nabasa ko yung senseridad sa mata ni steve Ngumiti ako kasi natouch ako sa sinabi niya Di ko napansin nakatingin pala samin si Tatum Miguel sa di kalayuan "Di mo naman kailangan gawin yon.." "Mas maganda ka pag nakangiti ka" Ngumiti ako uli.. Pero napalingon kami ni Steve sa coke in can na tumama sa puno malapit samin.. "Ano yun? Hinangin ata yung lata" Sabi ko habang "Wala namang hangin eh? baka nahulog lang sa puno.. Parang ako nahuhulog na sayo" Kumindat pa si Steve sakin "Baliw ka steve iba nalang ang gustuhin mo dahil taken na yung puso ko" "Alam ko naman e since grade school si Tatum lang laman ng puso mo.. Tara na nga late kana" Ngumiti si steve pero hindi tunay na ngiti parang pilit.. Hinatid ako ni steve sa classroom namin.. "Salamat sa pag hatid.. Hayaan mo steve maging friends nalang tayo" "Okay lang ayesha" nakangiti siya bago umalis Pag upo ko sa upuan ko "Hoy saan ka galing ha? biglang Nawala kayo ni steve sa library ha?" "Nag usap lang kami.. friends na kami at di na niya ako aasarin" "Wow talaga? sana magkatuluyan kayo" "Bestie alam mo naman ayoko kay steve.. taken na yung puso ko" Kinahapunan hinintay ko mag uwian si Tatum.. Nga pla magkaklase si Tatum at steve Napalingon si Tatum sakin pag labas niya sa classroom nila Napakunot yung nuo niya iniwas ko yung tingin ko sakanya.. Natakot ako.. Dati kapag hinihintay ko si Tatum ngingitian ko siya tapos susundan ko siyang hangang makauwi kami.. Magkapit bahay lang kasi kami eh.. Ganon din sana ang gagawin ko ngayon.. Kaya ako nandito para ngitian siya at sabayan umuwi.. pero parang natakot ako baka ireject niya nanaman kasi ulit ako eh.. Nakaramdam ako ng takot... kaya iniwasan kong mapatingin sakanya mabuti nalang nakita ko si steve Nilapitan agad ako ni steve "Wow hinintay mo ako?" Todo ngiti si steve "Ah.. eh.. Oo sabay na tayong umuwi steve" Pagdadahilan ko., Alam kong naririnig kami ni Tatum "Kinilig ako ayesha.. ang sweet mo naman!" binuhat ni Steve lahat ng gamit ko.. Yung bag ko at paper bags Napalingon ako kay Tatum kasi nakatingin siya sakin.. Iniwas ko uli yung tingin ko sakanya "T..tara na steve" humawak ako sa siko ni steve dahil parang nanghina yung tuhod ko "Steve!" Tinawag ni Tatum si Steve kaya napalingon kami "M..May group work pa tayo. Bakit uuwi kana?" Lumapit samin si Tatum.. Lalo akong napakapit kay steve dahil parang hihimatayin ako sa sobrang kaba! Ang bango ni Tatum Miguel.. Nagtago ako sa likod ni Steve Di kasi ako makatingin kay Tatum.. "Akala ko ba bukas pa tayo gagawa?" Nakasimangot na sagot ni steve "Nagbago isip ko. Ngayon na tayo gagawa" Tinawag din ni Tatum lahat ng group members nila at sinabihan na gagawa sila ng project "Ayesha sorry.. May group project kasi kaming gagawin ngayon kaya hindi pa ako makakauwi." Malungkot na sabi sakin ni steve "O..okay lang steve mauna na ako sayo umuwi" kinuha ko yung mga gamit ko kay steve "Diba magaling kang mag drawing?" napalingon ako kay Tatum.. Ako.. ako... Ako ba yung kinakausap niya?! Parang may nag habulan na daga sa puso ko... "A..Ako?" tanong ko sakanya nakatingin kami sa isat isa "Yeah.." seryoso siya habang nakatingin sakin "H..Hindi naman masyado" Parang umurong dila ko "Help us.. We need out lines para sa project namin" Help daw??? humihingi ng help si.. si... TATUM SAKIN??? "Oo ba! i mean... si..sige" napangiti ako.. Nakasimangot naman si Steve "Pero ayesha hindi ka pwedeng mag overnight sa bahay ng ibang tao diba? Magagalit ang mommy mo?" "O.Okay lang kay mommy magpapaalam ako" Nakatingin lang samin si Tatum.. "Hindi naman siya mag oovernight. katabi lang ng bahay namin ang bahay nila" "Sige isama natin si Ayesha..rinig ko siya ang pinakamagaling mag drawing sa batch nila" sagot naman ni karen.. kaklase din nila si karen medyo nerd "Let's go" Aya samin ni Tatum.. Lumakad kami palabas ng school. Sa bahay daw nila Tatum kami gagawa ng project kaya pinayagan ako ni mommy Habang naglalakad kami panay ang biro sakin ni steve bulong siya ng bulong "Kinikilig ka no ayesha kasi makakapasok ka sa bahay ni Tatum?" "Wag ka nga maingay baka marinig ka" bulong ko din kay steve "Kayong dalawa na ba?" tanong ni karen habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Tatum. Lima kami.. Ako si steve si karen si tatum at si Henry magkakaklase sila Nagulat kaming pareho ni Steve. "Hindi ha" Sagot ko Napatingin ako kay Tatum. Naglalakad lang siya ng tahimik pero mukhang nakikinig sa usapan "Ah akala ko kasi kayo na eh. Diba si Tatum ang gusto mo?" Naku prangka pala tong si Karen! napansin ko ding may gusto si karen kay steve "H..Hindi na ngayon kasi ayaw niya sakin at ayokong makulitan siya" Napatigil sa paglalakad si Tatum at napalingon sakin.. Kumabog ng malakas puso ko.. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Parang hurt kasi siya "Kaya pala si steve na ang gusto mo ganon ba?" Lalong lumakas t***k ng puso ko sa tanong ni Tatum "Oo para di ka na daw magalit kay ayesha" Sagot naman ni steve at inakbayan ako Napasimangot si Tatum Miguel "T..that's good to know na wala ng susunod sunod sakin" At naglakad na siya uli.. Di ko alam kung anong mararamdaman ko.. Nalulungkot ako.. Nasasaktan... bakit ba ang hirap mong mahalin Tatum Miguel... Pag dating namin sa bahay nila Tatum.. Namangha ako sa sobrang linis ng bahay nila.. Wow kahit wala siyang Mommy malinis padin ang bahay nila.. Sabagay nandito ang lola niya at daddy niya. Iniwan na kasi sila ng Mommy niya simula nung bata pa siya. "Goodevening po" Sabay sabay namin bati sa lola ni Tatum "Magandang gabi mga apo.. tuloy kayo" "Lola.. gagawa po kami ng project" "Osige apo ipaghahanda ko kayo ng hapunan kumain muna kayo bago kayo gumawa.. Teka si Ayesha ba ito?" Turo sakin ni Lola "Opo" Sagot ni Tatum "Hello hija! Nako dalagang dalaga kana hija.. bakit hindi ka na nadadalaw dito?" Dati kasi palagi ako tumatambay sa bahay nila tatum nakikinuod lang ako kunwari ng cartoons kahit di ako pansinin ni Tatum nuon okay lang.. pero nung magkaregla ako pinagbawalan nako ni mommy makipag kapit bahay "Hello po lola miss na miss ko na po kayo!" Niyakap ko yung lola ni tatum dati kasi close na close kami ng lola niya "Nako hija miss na miss na din kita" Niyakap ako ng lola ni Tatum nakatingin lang samin si Tatum Habang gumagawa kami ng project nila panay ang tingin sakin ni Tatum Miguel kaya naiilang akong mag drawing. Mag aalas dos na ng madaling araw Nakatulog na sila steve karen at henry.. Dalawa nalang kaming gising ni Tatum.. "Ayesha..." Napalingon ako kay tatum.. Jusko eto yung unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko! "B..Bakit?" di ako makatingin ng maayos sakanya "Di ka pa ba tapos?" Nililigpit na niya yung mga gamit na ginamit namin sa project nila Nag drawing ako ng isang laboratory gadget na pinapasearch sakanila. "Malapit na" Nakayuko lang ako "Galit ka ba sakin?" Umupo siya sa tabi ko nakaupo kami sa sahig habang ako nagdodrawing sa Cartolina sa sahig Halos mabingi nako sa lakas ng t***k ng puso ko.. Jusko kinakausap na niya ako tapos tinabihan pa ako "H..Hindi wala yun wag mo ng isipin yun" Nakayuko padin ako kasi for sure namumula ako "May gusto ka din ba kay steve?" maya maya tanong niya sakin.. Muntik ko na mabali yung pastel na hawak ko "B..bakit mo naman naitanong?" Nakayuko padin ako nagkunwari akong busy sa pag drawing "Wala lang" "W..Wala akong gusto kay steve.. ayoko muna mag love life uli masakit kasi e" Tumulo na pala luha ko mabuti nalang hindi sa drawing ko.. Pinunasan ko agad luha ko "I'm sorry" Yun lang sinabi niya tapos tumayo na siya. "Hintayin kita sa labas. Hatid na kita" Tapos nauna na siyang lumabas. Napahawak ako sa puso ko.. Para saan yung sorry niya? Sorry dahil hindi niya ako kayang magustuhan? :( Ang sakit palang umasa... Pinunasan ko luha ko tapos niligpit ko na yung mga gamit ko. Tapos naman na yung drawing ko e Paglabas ko ng bahay nila nasa labas siya. Hinatid niya ako sa bahay namin "Thanks for the help" Sabi niya sakin "W..welcome.." Nahihiya kong sagot.. "Wag ka munang mag boyfriend bata ka pa naman" "Ikaw lang naman ang gusto kong maging boyfrien---" Napatakip ako sa bibig ko! Ang daldal ko!!!! Namula ako.. Pero namula din siya "Bata pa tayo" "A..Alam ko naman bata pa tayo.. hehe sige na pasok nako" Hinawakan niya yung siko ko "Ayokong nakikitang ngumingiti ka sa iba" Bulong niya tapos lumakad na siya palayo.. Ako naman nakatulala lang Ano daw?!!!!! Oh my God... Nagseselos ba siya kay steve?! What is the meaning of this?! Bakit ayaw niya akong ngumingiti sa iba? Napahawak ako sa puso ko bigla nanaman akong nagkaron ng pag asa.. I LOVE YOU TALAGA TATUM MIGUEL! Kahit paasa ka!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD