"boss alis muna ako. "
Paalam ni Aqua kay Dorcas.
"ayaw mo bang ihatid kita?"
Tanong niya habang karga si Jamie.Nasa hamba sila ngayon ng pinto at hinatid ang babae.
Hindi pa umaalis si Aqua ay parang hinahanap niya na ang presensiya nito. Pero weekend ngayon at may usapan sila.
"hindi na boss"nginitian siya nito at tsaka naglakad palayo dala ang isang bag.
Hindi maiwasan ni Dorcas na makaramdam ng kaba.
"b-babalik ka pa ba? "tanong niya habang hindi pa ito nakakahakbang.
Salubong ang kilay na muling humarap ito sa kanya.
"Oo naman"
Muli siyang napatingin sa bag nito.Ano bang laman non'? Bakit parang mabigat.Nasa squatter sila at hindi na bago sa kanya ang mga ganong eksena.
"mamimis ka ni Jamie"mahinang sabi niya.
Napatingin ang babae mula sa mukha niya at sa mukha ng bata sa braso niya.
"babalik ako ano ka ba? Pinapalayas mo na ba ako? "
"Hindi naman sa ganon.. Eh k-kasi. "
Muling lumapit si Aqua sa kanila hanggang sa ilang metro nalang ang layo nito .
Natulala siya sa hitsura nito.
"Huwag kang mag aalala, hindi na ako babalik sa bar"
"Saan ka ba kasi pupunta? "
Hindi niya mapigilang mag alala.
"basta babalik ako after two days.. "
"promise?"
Lumalam ang mga mata ng babae at hinalikan sa ulo yung anak niya.
"babalikan ko yung anak ko."
Nagliwanag yung mukha ni Dorcas.Napuno yung puso niya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.
"hihintayin ka namin"
Kinindatan siya nito. "bye boss! "
Hinawakan ni Dorcas ang kamay ni Jamie at kumaway sila sa babae.
"say bye to mommy, baby! "
Pinagmasdan niya ang babaeng papalayo hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Niyakap niya ang anak niya at muling pumasok sa bahay.
Now it feels empty. The house is nothing without the queen.
-------
"sa silong ni kaka, may taong nakadapa, kaya pala nakadapa, naninilip ng palaka"
Napangisi si Dorcas kay Temyong habang bitbit nito ang anak niya.Nandito sila ngayon sa labas ng bahay sa ilalim ng saresas para magpahangin. Sobrang init ng panahon.
"tang inang araw ito, parang asido! Ang init! "
reklamo ni Kiboy. Kanina pa ito sumasayaw at nagtitiktok sa isang gilid.
Mainit nga ang panahon. Ilang beses niyang pinapalitan si Jamie ng damit para hindi ito matuyuan ng pawis.
"ikaw, Dorcas? Hindi ka ba naiinitan. Parang ikaw lang ang kapit bahay kong hindi nagrereklamo.
Napatawa siya sa sinabi ni Kiboy. Sanay na siya sa init. Gabi gabi siya dating tinutupok niyon.
"haha uy mukang iba ang naiisip mo ah..yung nanay ba ni Jamie?Don't worry babalik yon"
Namimis niya na nga yung babae.Isang araw ng wala ito sa paningin niya.Nagsimula na rin siyang hanapin ng anak niya. Minsan umiiyak ito at nababanggit ang salitang ma.ma. kahit bulol.
"di mo pa nga natitikman lalayas na.. Sa guwapo mong yan.. "
Tinignan niya ng masama si Temyong.
"oh pa virgin ka Dorcas.. Halata namang pinagnanasaan mo yung tao. Ganon ba naman kalusog at kaganda eh.. Para siyang anghel"
Oo na pinagnanasaan ko na. Pero bawal.
"san'ba kasi nagpunta?Hindi sinabi sayo? "si kiboy ulit.
"baka may pamilya na at umuwi muna. "sabat ulit ni Temyong. nanigas siya sa sinabi nito.
Ilang araw na niyang kasama ang babae pero wala man lang siyang alam tungkol dito. Maliban na lang sa mala papayang boobs nito at matambok na pang upo. Wala na.
"No! "Hindi puwede. Wala siyang ibang pamilya. Babalik siya.
Ibang pamilya.
Tama, mula ng tumapak si Aqua sa bahay niya ay pamilya na nila ito ng anak.
Nanikip yung dibdib niya at kinalma ang sarili.Walang nabanggit ang babae. Kailangan niyang pagkatiwaalaan ito.Hindi niya matatagpuan sa bar si Aqua kung may pamilya na ito. Tama.
Kahit papaano nakahinga siya sa naisip.
"Uy, pinagpawisan. I'm sure wala pang pamilya yon', ganda ng katawan eh, alam mo na hindi pa la.. "
"don't you dare"
Tuluyang tumahimik si Temyong at bahagyang lumayo sa kanya. Muli nitong sinasayaw sayaw si Jamie.
Huminga siya ng malalim. Trying to regain his composure. Ayaw niyang matakot sa kaniya pati ang mga kaibigan niya. Maya mayay bumalik sila sa pagkuwekuwentuhan.
Nakatulog si Jamie sa isang papag. Pinapay payan niya ito habang patuloy na nakikinig sa mga kayabangan ni Kiboy. Tumutulo ang pawis nito sa payat nitong katawan pero tuloy parin ito sa pagsasalita.
Napatingin ang lalaki sa kanya at siya na naman ang napagdiskitahan.
"hala hindi ka talaga tinatablaan ng init noh.Hindi ka man lang pinagpapawisan. "
Natawa siya sa hitsura nito. Sa lugar kasi nila maraming tao, polluted ang paligid at halos walang puno.
"sanay na ako.Lumaki ako sa middle east"
"Arabo ka nga pala.Mainit ba talaga doon? "
Napangisi si Dorcas. Hindi nito gugutuhing malaman. Minsan umaabot sa 40+ ang heat temperature doom at nag wawarning ang gobyerno na huwag ng lumabas. Uso din ang sandstorm at minsan niya ng naranasan iyon.
"Paano ka nga pala napadpad dito Dorcas? "
Natigilan siya sa tanong ni Temyong.
Napalunok siya at itinuloy ang pagpaypay sa anak niya.
@$(
Kamusta kayo guys?! ?comment naman kahit isa lang.. Muaahhpz.