(salamat sa po sa isang nagcomment.Naapreciate kita) Oh eto na agad agad! Happy reading!
Dumagundong ang puso ni Dorcas ng may kumatok sa pinto. Alas 10 na ng gabi at ngayon ang dating ni Aqua.
Tsinek niya muna si Jamie sa loob ng kulambo bago tumayo para buksan yung pintuan.
Binuksan niya iyon at nabungaran si Aqua. Thanks god the woman came back!
Hindi niya napigilan ang sarili at nayakap ito ng makapasok sa loob. Ikinulong niya ito sa kanyang braso at siniksik niya yung mukha niya sa leeg ng babae.
Bahala na kung anong isipin nito pero namimis niya ito.
"I miss you! "
"T-teka lang boss, hindi ako makahinga"
Bahagya niya itong pinakawalan at non'niya lang nakita ang hitsura nito.Halatang stress at pagod ang babae. May mga aklat itong bitbit at nakasuot ng school uniform.
Napanganga siya.
"nag aaral ka? "
Nag iwas ng tingin si Aqua.
"oo eh, puwede mag advance ulit. Ubos na eh"nahihiyang sabi nito.
Nakahinga siya ng maluwag at na amaze kay Aqua dahil isa pala itong estudyante.
"kaya ka ba nasa bar nong'gabing iyon? "
"Oo. Kapit sa patalim. Pero dahil sayo hindi na ako babalik doon kaya. Salamat. "
Umangat yung kamay niya at hinaplos yung buhok ni Aqua. Nilibot niya ang tingin sa mukha nito at napuno iyon ng paghanga.
"gagawin ko ang lahat para hindi ka na bumalik doon. Maghahanap ako ng mas magandang trabaho para matulungan kita sa pag aaral mo"
Sabi niya na puno ng sensiridad. Hindi niya alam kung saan nanggaling yung mga sinasabi niya, pero iyon ang nararamdaman niya at yon'ang kanyang sasabihin .
Nagulat siya ng magtubig yung mata ni Aqua.Nagbago ang expresyon ng babae at tila ngayon lang narinig iyon. Wala bang ibang tumulong dito dati? Nag iwas ito ng tingin ng ilang butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata niya.
"thank you boss.. Promise aalagan ko si Jamie"
Pinahid niya yung luha nito.
"Si Jamie lang? "
Gusto ko ako din. Huwag ka ng umalis. Dito ka nalang sa akin.
"gusto mo ikaw din? "
Nahihiya siyang tumango.
"pero nanny ako ng anak mo..hindi ka kasama"
"Hindi ka na nanny ni Jamie Aqua. Nanay ka diba ng anak ko..Nilagay mo sa papel. Ibig sabihin.. "
Nag iwas ng tingin si Dorcas. Nahihiya siya. Aamin na ba siya?Na "actually"gusto niya yung babae pero sadyang hindi puwede dahil mag amo sila.Hindi niya alam kung kailan nagsimula o saan niya narealize?Pero alam niyang may ibang epekto ito sa kanya mula ng makita ito sa bar.Kaya nga inuwi niya eh. At hindi siya nagkamaling pinagkatiwalaan niya yong babae.
"ako yung tatay. "
Napangisi ito sa hitsura niya.Shet ang awkward!
"at? "
"ibig sabihin.. P-pamilya tayo. "
Napatawa si Aqua sa harap niya.Nagsalubong yung kanyang kilay .
"magtigil ka boss, hindi kita asawa!"
Ouch!
Rejected ba siya agad? Wala man lang ba itong nagustuhan sa kanya sa iilang araw na magkasama sila..kahit katiting?
"pero tumatanggap ako ng among manliligaw.."Dagdag nito.
Nabuhayan siya ng loob at nagliwanag ang paligid!Ibig sabihin kahit paano may pagtingin din ito sa kanya.
Napahawak si Dorcas sa tiyan niya dahil parang may lumilipad doon.
What is this feeling?
May nakain ba siyang masama.
Tatawa tawang umalis sa harap niya si Aqua at mabilis na pinuntahan si Jamie. Naiwan siyang masaya at naguguluhan sa sala.
------
Hindi maiwasang pagmasdan ni Aqua si Dorcas habang tinutulungan siya nitong magsulat ng ilang summary mula sa mga herbal medicines. Nandito sila ngayon sa sala at magkaharap sa isang maliit na lamesa.
Mukhang sanay ito sa paperworks at hindi maistorbo. Mas lalo tuloy siyang napapantastikuhan sa tunay na pagkatao nito.
Binabawi niya na ang sinabing hindi siya maakit dito.Sa loob ng dalawang araw ay hindi ito naalis sa isip niya. Lagi niyang naiisip si Jamie at ang tatay nito kahit anong gawin niya. Tama si Dorcas, sa loob ng iilang araw naging pamilya sila.
Bagay na hindi niya kailanman naranansan dahil isa siyang ulila.Bagay na hindi niya naramadaman hanggang noong nakaraang linggo.At ngayon binigay na sa kanya ng Diyos, complete package na,may hot na tatay at guwapong anak,maganda ang lahi at mga foreigner, tatangihan niya pa ba.
Okay na kahit mahirap. Magsisikap sila ni Dorcas para mabigyan ng mas magandang buhay si Jamie. Sisiguraduhin niyang makakatapos siya ng medisina at magiging isang magaling na pediatrician. Kahit igapang niya iyon.Simple lang naman yung gusto niyang buhay.Gusto niya lang ng pamilya at hindi niya na kailangang maghintay dahil puwede narin pala.
Babae ka talaga Aqua. Ang layo na ng narating ng utak mo!
Muli siyang napatitig sa mukha ni Dorcas. Para itong drinawing mg isang magaling na artist.Define ang mga features nito, matangos ang ilong, brown ang mata at natural na pula ang mga labi. Ang suwerte niya dahil manliligaw na niya ito ngayon.
So hindi lang pala siya yung may lihim na pagtingin dito.Mabuting tao si Dorcas, sapat na iyon sa kanya.Kahit kailan hindi pinaramdam nito na isa siyang babaeng galing sa bar at katulong sa bahay. Gaya ng iba niyang naging amo. Nirespeto siya nito at itinuring na nanay ng kanyang anak. Hindi niya sisirain ang ibinigay nitong tiwala sa kanya.
Siguradong mas magiging kapana panabik ang mga susunod na araw nila. Dahil mula ngayon, meron na silang pagkakaintindihan.
10
Maagang pumasok si Dorcas kinabukasan. Determinado siyang maghanap ng ibang trabaho o sideline para sa mag ina niya..
Mag ina?
Hindi ka pa sinasagot Dorcas.
Napailing iling siya.kailangan niya ng magandang trabaho para matustusan ang lahat ng pangangailangan nila. Nangako rin siyang mula ngayon siya na ang magbabayad ng tuition ni Aqua.
Kailangan niya ng pera.kailangan niya ng trabaho. Tsaka nagsisimula na siyang manligaw sa babae. Bawal kuripot.
"Ingat ka"
Nginitian niya ng pagkatamis tamis ang babae.Ito naman ang nakatayo ngayon sa hamba ng pinto buhat si Jamie para ihatid siya. Iba talaga ang epekto niyo sa kanya. Ang suwerte niya dahil nakita niya sa bar ito noon.
"daa. da.. "
Sabay silang napatawa ni Aqua kay Jamie.Hinalikan niya sa noo ang anak at hinalikan sa pisngi yung nanay nito.
They want to take it slow. Gusto niyang maranasan ang panliligaw at gustong maranasan ng babaeng magpaligaw. Quits lang. Gusto niyang maramdaman ng babae na mahalaga sa kanya ang ginagawa at na seryoso siya.
Talaga boh?
At ilang araw na silang ganon. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakatiis sa hawak hawak lang. Puwede bang maging sila muna at kahit araw araw na niya itong ligawan pagkatapos non'.
Binahay mo nga muna bago mo niligawan? Ayos.
Well case to case bases.
Sumakay siya sa kaniyang TMX at pinatakbo iyon. Inspirasyon niya ang dalawang kumakaway sa kanya palayo.
Now I'm fueled.
----
Saganang kumakain si Dorcas kasama ng ilang kasamahan sa isang carenderia ng isang unregistered number ulit ang tumawag sa kanya.
Kinabahan siya. Huminga siya ng malalim bago sinagot iyon.
"hello"
Isang babae na may french accent ang sumagot.
"I just want to inform you that your interview will be on saturday, preferably 2:00 pm at our building. See yah! "
Napanganga siya. Sino to'?
"w-wait what company is this?"
Muling sumagot ang babae sa kabilang linya.
"Viking Holdings and Enterprise. Be prepared ,Mr. Viking will do the interview himself."
Parang may sumabog na fireworks sa harap ni Dorcas.
"thank you"
Ibinaba niya ang cellphone at napatalon at napahiyaw ng walang tunog. Sisiguraduhin niyang siya ang matatanggap sa trabaho.
Excited na siyang umuwi sa bahay. Hindi na niya kailangang mag overtime dahil big time na siya.
Dumaan siya sa mall at binili ang pinag ipunan niyang crib ni Jamie at cake at bulaklak para sa princesa niya. Bumili din siya lechong manok at ilang softdrinks. It's time to celebrate!
With his family.
----
Tuwang tuwa ang anak niya ng ilagay siya ni Aqua sa loob ng kulay blue na crib na binili niya para dito. Inalalayan nilang dalawa ang bata hanggang masanay itong umupo at magpagulong gulong sa loob. Binilhan niya rin ang anak niya ng ilang laruan na puwede nitong kalikutin.
"I love you baby"
Hinalikan niya ito sa pisngi pero wala dito ang pansin ng anak.
The fulfillment he felt, whenever he gave his needs is beyond satisfaction. So this is what is like to be a father..
Muli niya itong hinalikan sa ulo at tsaka bumaling sa magandang babae na nasa tabi niya na tuwang tuwang nakikipaglaro sa anak. Gusto niyang ibigay dito yung bulaklak pero kanina pa wala sa kanya ang pansin nito.
Tumikhim siya.
"puwedeng ako naman? "
Napataas ang kilay nito at tumitig sa kanya.
"Ikaw naman aalagaan ko? "
"pansinin mo lang ako okay na. "
Nginitian siya nito.Hinila niya ang babae at niyakap.Ang bango.Umiwas siya at kinuha niya ang bulaklak bago pa magdilim ang paningin niya.Tatlong tangkay iyon ng pulang rosas.
Namutla ang babae at mas lumawak ang ngiti. Muli itong yumakap sa kanya.Dumantay ulit yung katawan ni Aqua sa kanya..
Kontrol pa Dorcas.
"May interview ako sa Sabado sa isang malaking company."bulong niya dito.
Bahagya itong lumayo sa kanya -thanks god! -at hindi maitago ang galak. "Wow! Congrats!"
Hinalikan siya nito sa pisngi.kinuha niya si Jamie sa crib at masaya silang naghapunan. Sa susunod ipapasyal niya naman ang mga ito lalo na kapag nadagdagan yung sahod niya.
----
"Kailan mo ako sasagutin? "
Hindi alam ni Dorcas kung pang ilan daang beses niya ng tinanong iyon. Tulog na si Jamie at nanatili sila ni Aqua sa sala.Nakadamit pantulog na ang babae at maya maya lang ay iiwan na rin siya nito
"ang kulit mo! "
Kunwa'y naiiritang sabi nito habang nagsusuklay ng mahabang buhok. Napatitig siya sa magandang buhok nito.
"bakit ba gustong gusto mong sagutin na kita? "
"gusto na kitang halikan. "
Good Dorcas. Honesty is the best policy.
"yon lang talaga? "
"ikaw, kung may gusto ka pang gawin ako sayo bukod sa halik"
Humarap sa kanya yung babae. She smiled at him, the same smile she wears in the bar. Nagtaasan yung mga balahibo niya kasama ng kanyang p*********i.
Nilapitan siya nito at umupo sa tabi niya.
"So, hinihintay mong sagutin kita para halikan mo ako? "
"diba ganon naman dapat.Gusto kong malaman mo na iba ka. Na hindi lang katawan-well kasama na yon sa habol ko. "
"bastos.. "
Pakiramdam ni Dorcas uminit yung paligid.
"Sagutin mo na kasi ako"kulang nalang lumuhod siya sa harap ni Aqua.
Libog na libog na siya dito. Ang hirap pala kapag yong crush mo-nililigawan mo kasama mo sa bahay.
"Hindi pa kita sasagutin. Diba 'sabi ko sa birthday mo nalang sa susunod na buwan"
Na pa pout siya.Ilang araw pa ulit iyon. Pero kaya niya naman.. Siguro.
"hindi pa kita sasagutin pero hindi ko naman sinabing hindi mo ako puwedeng halikan"
Bumaling ang atensyon niya sa babae.
"so puwede na? "
"well modern filipina ako eh. Hindi ako maria clara.. "
Napapalakpak yung tenga ni Dorcas.
"tsaka gusto na rin kitang halikan"sabi ulit ng babae.
"so puwede na, as in ngayon na? "
"ikaw.. Kung g-gusto mo"
"Anong gusto mong halik? "
Napaisip ang babae. "gentle lang muna tsaka na yung rough"
"puwede bang sumobra sa halik? "
Inirapan siya ni Aqua..
"demanding ka Dorcas.. Pero.. Puwede na siguro hanggang kalahati.. "
"kalahati ng? "
"hahalikan mo ba ako hindi? "
Napangiti si Dorcas.. Target locked in
"thank you Aqua"