10 Maagang pumasok si Dorcas kinabukasan. Determinado siyang maghanap ng ibang trabaho o sideline para sa mag ina niya.. Mag ina? Hindi ka pa sinasagot Dorcas. Napailing iling siya.kailangan niya ng magandang trabaho para matustusan ang lahat ng pangangailangan nila. Nangako rin siyang mula ngayon siya na ang magbabayad ng tuition ni Aqua. Kailangan niya ng pera.kailangan niya ng trabaho. Tsaka nagsisimula na siyang manligaw sa babae. Bawal kuripot. "Ingat ka" Nginitian niya ng pagkatamis tamis ang babae.Ito naman ang nakatayo ngayon sa hamba ng pinto buhat si Jamie para ihatid siya. Iba talaga ang epekto niyo sa kanya. Ang suwerte niya dahil nakita niya sa bar ito noon. "daa. da.. " Sabay silang napatawa ni Aqua kay Jamie.Hinalikan niya sa noo ang anak at hinalikan sa pisngi y

