Chapter 49 "Ikaw lang ang mahal ko..." Hindi ko maiwasang sulyapan si Cloud matapos kong kumanta. Ramdam na ramdam ko kasi ang matiim niyang tingin sa akin. Mula ng inumpisahan kong kumanta hanggang sa matapos ako. Nagkatitigan kami at kitang-kita ko sa mga mata niya ang emosyong matagal ko ng ninais pang makita. Matang nagpapakita ng pagmamahal. Hindi ko alam kung nakilala niya ang kanta na inawit ko pero sana-- sana hindi niya ito natandaan. Ayokong isipin niya na hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang alaala ng kasal namin. "Ang galing talaga kumanta ni Mommy, right Daddy?" Sabay kaming nag-iwas ng tingin ni Cloud sa isa't-isa at binaling ang pansin kay Claudi. Namumungay na ang mga mata ng kambal pero tila ayaw pa din magsitulog. "Hmmm, just like you baby. " Bumungisngis naman si

