Chapter 50 "Uy Leigh, baka naman sa sobrang lalim ng iniisip mo malunod ka na diyan. Paalala ko lang, farewell party niyo 'to. Aba, buti pa ang mga chikiting mo nag-eenjoy, eh ikaw parang kanina ka pa tulala diyan." Napabuntong-hininga na lang ako at hindi sinagot si Yura na kumakain sa tabi ko. Pinagmamasdan ko na lang ang kambal na kumakain at nakikipag-usap sa mga kasamahan ko at kay Ma'am Kris. Nandito ako ngayon sa SPH, and what did I expect with Yura being a talkative one, nasabi niya na sa boss ko at sa iba ring writer at staff ng SPH ang pagpunta namin ng Maynila ng kambal. Kaya 'eto they made a farewell party para sa aming mag-iina, buti na lang pala at hindi ko naisipang ipagpabukas ang pagpunta dito at nagising ako ng maaga kaysa sa inaasahan ko. Muli akong napapikit ng maalal

