CHAPTER THIRTEEN
"GOOD morning."
Napatikhim si Sonja nang marinig ang boses ni Jared sa kabilang linya. Maaga itong tumawag. Nakakapanibago. Masaya siya sa pagtawag nito pero hindi maganda ang gising niya.
"Good morning," tugon niya sa matamlay na boses.
"What's wrong? Are you sick?" alalang tanong nito.
"Hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Bakit ka napatawag?"
"Gusto mo bang sabay na tayong mag-breakfast?"
"Bago 'yan, a," napangiting ani Sonja. "Saan tayo magbi-breakfast? Doon pa rin?"
"Kung gusto mo lang naman."
"May pasok ka pa, 'di ba?"
"I don't feel like working today. Ihahatid ko lang si Jamie sa school pagkatapos pupunta na ako riyan."
"Okay!" masiglang tugon niya. "See you later."
Pagkatapos makausap si Jared ay bumaba na ng kama si Sonja at naligo. Siguro naman ay gaganahan siyang kumain kapag ito na ang kasabay niya. Huwag lang sana niyang isuka gaya nitong mga nakaraang araw.
"Ate! Emergency, grabe!" si Sannie na basta na lang pumasok sa kwarto niya habang nagsusuklay siya ng buhok. Binuksan nito ang cabinet niya at kinuha ang napkin niya. "Meron ako pero ubos na 'yong napkin ko. Buti na lang, nakabili kang bago. Thank you, Ate. Papalitan ko na lang 'to."
Takang napasunod ang tingin ni Sonja kay Sannie nang lumabas na ito ng kwarto niya. Hindi naman siya bumili ng bago, e. Hindi lang talaga siya dinatnan kaya hindi niya nagamit ang mga napkin. Dalawang buwan na nga yata.
Binundol ng kaba ang dibdib niya. Hindi kaya... ang pagkahilo niya, ang pagsusuka, at pagkamapili sa pagkain... Hindi niya alam ang gagawin. Paano kung...
SASABIHIN ba niya kay Sanya ang kutob niya? Pero paano? Hindi pwedeng hindi talakan siya ng kapatid niya. Pero wala naman na itong magagawa, 'di ba?
Paano nga?
Lalo siyang nahihilo sa lagay na iyon.
"Hindi ka na naman kakain?" tanong ni Sanya matapos uminom sa kape nito. Pinag-aaralan nito ang sales nila nang buwang iyon. Nakasandal lang siya sa lababo habang umiinom ng tubig.
"M-magbi-breakfast daw kami ni Jared, Ate. Hihintayin ko na lang siya," sagot naman niya.
"Mabuti. Daan kayo rito para makilala ko na siya."
"Ate..."
"Hmm?" tanong ni Sanya at uminom sa tasa nito.
"Buntis yata ako."
Naibuga ni Sanya ang iniinom na kape sa papeles na hawak nito.
"Anak ka ng nanay mo, Sonja!" impit na bulalas ng kapatid niya.
Hindi agad naka-react si Sonja. Napatayo ang kapatid niya at itinabi ang binabasa nito. Maging ang damit nito ay natapunan ng kape. Gusto niyang sapukin ang sarili. Ang ganda rin naman kasi ng timing niya.
"Ano'ng sinasabi mong buntis ka?"
"Hindi pa naman sure. Hindi kasi ako dinatnan, e. Saka 'yong mga nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw..." Napakagat-labi siya. "Pwede ring false alarm."
"Magpa-check up tayo para makasigurado," sabi ng kapatid niya.
"Ate!" natarantang anas niya. "Huwag ngayon. Magkikita kami ni Jared. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. I don't think ready na siya."
"Ano'ng hindi ready?" hindi makapaniwalang ulit ni Sanya. "Matanda na siya at meron nang anak. Wala na rin naman siyang asawa para hindi ka panagutan, 'di ba?"
"Hindi mo kasi naiintindihan. A-ako na lang ang bahalang kumausap sa kanya kapag nasiguro ko na."
Malakas na bumuntong-hininga si Sanya. Halatang nag-iisip ito habang pinapakalma ang sarili.
"Ikaw na rin ang magsabi kay Nanay ng kondisyon mo kapag nasiguro na natin, ha," sabi pa nito.
"O-oo. Ako nang bahala."
"ATE Sonja."
Pareho silang napatingin kay Sannie nang pumasok ito ng kusina.
"Bakit?" tanong naman ni Sonja.
"May lalaking naghahanap sa'yo sa labas."
Lumukso naman ang puso niya. Si Jared. Nagkatinginan sila ni Sanya. Nagkaintindihan naman sila doon. Lumabas na siya ng kusina para lang madismaya. Hindi naman kasi si Jared ang lalaking nagkakapeng naghihintay sa kanya sa labas kundi si Eugene.
"Hi, Sonja."
"E-Eugene. A-ano'ng ginagawa mo rito?" Napahawak siya sa ulo niya nang umikot ang paningin niya.
"Binibisita ka. Ilang gabi kang wala sa hotel. Na-miss kita. Huwag kang mag-alala. Wala naman akong balak magtagal. May pasok pa ako sa ospital. Alam mo na, hinihintay ako ng mga cute kong pasyente."
"Eugene, alam mo naman na may boyfriend ako, 'di ba?" seryosong sabi niya.
"Oo naman." Ngumiti si Eugene pero hindi naman iyon umabot sa mga mata nito. "Pero maintindihan mo rin sana kung bakit hindi ko mapigilang humanga sa'yo, Sonja. Nakita ko kayo ng boyfriend mo. You were both in love with each other."
Natigilan siya sa huling sinabi ni Eugene. Sila ni Jared, parehong in love sa isa't isa? Imposible iyon. Pero mabuti na ring gano'n nga ang iniisip ni Eugene para hindi na ito umasa sa kanya.
"P-pupunta siya rito mamaya para—" Nabuwal sa kinatatayuan niya si Sonja. Mabuti na lang at maagap siyang nasalo ni Eugene bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay.
NAGMULAT ng mata si Sonja at hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kinaroroonan niya. Paano siya napunta doon? Kanina lang, kausap pa niya si Eugene nang mahilo siya at... mawalan ng malay. Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama.
"Buti naman gising ka na," si Sanya. Kausap nito ang babaeng doktor. Mukhang nakahinga ito nang maluwag nang lapitan siya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay na 'ko." Pinakiramdaman niya ang sarili. "Sino ang nagdala sa 'kin dito?"
"Si Doc Eugene," sagot ni Sanya. "Buti na lang, nasalo ka niya."
"I suggest na magpa-check na rin kayo sa OB-Gyn, para makasiguro sa kondisyon ng dinadala ninyo, Miss," sabi ng doktor. "Ingat ho kayo, ha. Huwag magpaka-stress. Maiwan ko na muna kayo."
Nagpasalamat sila sa doktor bago ito tuluyang lumabas. Nagkatinginan silang magkapatid. Kompirmado nga. Bunti siya. Bigla na lang naging emosyonal si Sonja nang mga sandaling iyon. Naiiyak siya sa hindi niya matukoy na dahilan.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?" pang-aalo ng kapatid niya.
"H-hindi ko alam, Ate. Naiiyak ako pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko." Napahagulgol siya. "Magkaka-baby na 'ko!"
"Oo, magkaka-baby ka na. Normal lang 'yan sabi ng doktor. Pero magpapa-check up pa tayo para masiguro na healthy ang anak mo." Niyakap siya ni Sanya at hinagod ang likod niya. "Okay lang 'yan."
Napatingin si Sonja sa lalaking pumasok ng silid niya. It was Jared. Paano nito nalamang nandito siya sa ospital? Alam na kaya nito? Ano kaya ang iniisip nito nang mga sandaling iyon? Hindi tuloy niya alam kung paano kakalma.
"R-Red..."
Kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Sanya at nilingon ang lalaki. Jared looked at her. His expression was unreadable. Parang pinipiga ang puso niya. Paano kung hindi nito nagustuhan ang ideyang magkakaanak na sila?
"Mag-usap muna kayo, ha? Nagugutom ka ba?"
Tumango lang siya bilang tugon sa tanong ni Sanya. Tuluyan na itong lumabas ng kwarto. Nagpasalamat naman si Jared sa kapatid niya bago nito isinara ang pinto. Umupo ito sa pwestong iniwan ng ate niya.
"Hey, why are you crying?" malambing na tanong nito at hinawakan ang mukha niya. Pinahid ni Jared ang mga luha niya pero imbes na tumahan ay lalo lang siyang naiyak. "It's okay, Sonja."
"H-hindi ka ba galit?" tanong niya sa pagitan ng pag-iyak.
"Bakit naman ako magagalit?"
"Hindi mo ba 'ko sisisihin na hindi ako nag-ingat? Nangyari 'to kasi hindi ako nag-ingat, 'di ba?"
"Bakit sarili mo lang ang sinisisi mo? Dalawa tayo rito, Sonja." Hinalikan nito ang noo niya. "Huwag ka nang mai-stress. We're in this together. Matutuwa si Jamie kapag nalaman niyang magkakaroon siya ng kapatid. Aalagaan kita buong araw. You deserved it for bringing me good news today." Bumaba ang mukha ni Jared at inangkin ng mga labi nito ang mga labi niya. He kissed her slowly, tenderly, and deep.
Unti-unting kumalma ang kalooban ni Sonja at natagpuan niyang tinutugon ang mga halik nito. Hindi galit si Jared at masaya ito dahil magkakaanak na sila. Sapat na iyon para mabawasan ang pag-aalala niya.
SONJA was two months pregnant. Pinayuhan siya ng doktor ng mga kailangan niyang gawin para hindi mai-stress habang nagbubuntis at vitamins na kailangan niyang inumin para maging healthy silang dalawa ng bata. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa mga sandaling iyon na meron na ngang buhay sa sinapupunan niya.
"Red..."
"Hmm?"
"Hindi ako makahinga."
"Damn, I'm sorry." Agad na niluwangan ni Jared ang pagkakayakap sa kanya. "There. Ayos ka na ba?"
Natawa naman siya.
"Binibiro lang kita."
Magkatabi silang nakahiga sa kama niya. Kauuwi lang nila galing sa ospital at pinagpahinga agad siya nito.
"Ang higpit ng yakap mo, e."
"Well, I'm hugging two people now." Hinalikan nito ang gilid ng noo niya. "Oo nga pala. Tatawagan ko si Jamie mamaya. Dito ko sila padideretsuhin ni Manang Nadia para i-treat siya at sabihin ang good news. Gusto mo ba 'yon?"
"Oo, gusto ko," parang batang tugon naman niya.
"Nag-alala ako sa'yo nang makita kitang buhat-buhat ng lalaking 'yon papunta sa kotse niya. Nakasunod ang mga kapatid mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. I'm glad I followed you to the hospital."
"May nararamdaman akong kakaiba nitong mga nakaraang araw pero binale-wala ko lang. Ang akala ko kasi, wala lang."
"From now on, lahat ng nararamdaman mo, sasabihin mo sa 'min, okay? Gusto kong healthy ang mag-ina ko."
'Mag-ina'. Hindi naitago ni Sonja ang mga ngiti niya. Ang sarap namang pakinggan n'on.
"Guys, kain muna kayo," si Sanya nang pumasok sa kwarto niya. "Siguradong gutom na kayo." Ipinatong nito sa nightstand ang tray na may dalawang mangkok ng sopas na mainit-init pa.
"Thank you, Ate," sabi naman ni Sonja.
Bumangon naman si Jared at inalalayan siya.
"Susubuan na kita," sabi nito.
"Kaya ko na 'yan, Jared," ingos niya.
"I don't care. Basta susubuan kita."
"Ang sweet naman," tukso ni Sanya. "Sabihan n'yo lang ako kung meron pa kayong kailangan, ha. Nasa baba lang ako. Mr. Yap, hinay-hinay lang sa kapatid ko. Bata pa 'yan."
"Ate!" nanlalaki ang mga matang anas ni Sonja.
"Aalis na nga ako, 'di ba?"
"IS THAT for real?" hindi makapaniwalang anas ni Jamie. Bumaba ito ng upuan at hindi nag-atubiling lumuhod sa tabi ni Sonja. Idinikit nito ang tainga sa tiyan niya. "Hello, baby. Can you hear me? I'm your kuya. Hey, it's not answering."
Natawa naman sila rito.
"Maliit pa kasi siya kaya hindi mo pa siya mararamdaman," sagot naman ni Sonja. "Pero ilang buwan lang, lalaki na rin ang tummy ko. Makakapa mo na siya."
"I hope it's a boy so we could be playmates."
"Tanungin mo muna si Sonja kung gusto rin niya ng boy," sabi naman ni Jared.
"Oh, you want a boy, too, right, Miss Sonja?" Nag-puppy eyes pa si Jamie sa kanya.
Natawa na naman tuloy siya.
"Basta healthy ang baby," sagot naman niya.
Bumalik sa upuan niya si Jamie at ipinagpatuloy ang pagkain.
"I can't wait to be a kuya, Daddy."
"Ako rin, Jamie." Pabirong ginulo ni Jared ang buhok ni Jamie at hinawakan naman nito ang kamay niya at pinisil.
Napangiti si Sonja. Nang mga sandaling iyon, saya lang ang maramdaman niya, kahit siya lang ang nag-iisip n'on, para silang isang simple at masayang pamilya. Sana... sana maging sapat na iyong dahilan para kay Jared para pakasalan siya at ibigay sa kanila ng anak niya ang pangalan nito.
"Miss Sonja, may naisip ka na bang pangalan para sa baby brother ko?" tanong pa ni Jamie.
Kunwari ay nag-isip siya.
"Hmm... Wala pa. Pero mag-iisip ako ng maganda. Gusto mo 'kong tulungan?"
"Yeah, sure!" Humagikhik si Jamie at ipinagpatuloy ang pagkain.
"PAANO kaya kung magpadala ako ng nurse para may mag-alaga sa'yo habang wala ako? Para hindi ka na mahirapan."
"Red, okay lang ako. Nandito naman ang mga kapatid ko. Hindi naman ako mahirap alagaan, e," nakangiting sabi niya nang ihatid na niya ito sa labas.
"Sigurado ka?"
Tumango-tango pa siya.
"Huwag ka nang mag-alala."
"Tawagan mo 'ko kung may kailangan ka." Hinawakan ni Jared ang mukha niya at mariin siyang hinalikan sa mga labi. "Tatawagan kita mamaya. Don't stress yourself too much, okay?"
"Tatandaan ko po."
"Hindi pa ako umaalis, nami-miss na kita."
Napabungisngis naman si Sonja.
"Seryoso," sabi naman ni Jared. "Pa-kiss nga ulit."