bc

Sleeping With The Billionaire [Tagalog]

book_age16+
96.3K
FOLLOW
724.4K
READ
billionaire
love-triangle
one-night stand
second chance
goodgirl
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sonja slept with a man whom she only knew the name. He was scarred, mysterious, lonely, and twelve years her senior. Ang akala niya ay magtatapos na sa isang one-night stand ang kanilang encounter.

Muling nagkrus ang kanilang mga landas at natagpuan na naman niya ang sariling katabi ito sa kama. Walang label ang kanilang relasyon at tanggap ni Sonja iyon. Kaso nagkaroon ng kaunting 'problema'—she fell in love with him and she was already carrying his child.

Inalok naman siya ng kasal ni Jared. He was willing to give his name to her and their unborn child. Pero hindi makontento si Sonja. Gusto niyang makuha pati ang puso ng lalaking mahal niya. Pero paano mangyayari iyon kung hindi pa rin makalimutan ni Jared ang nasira nitong asawa na siyang nag-iwan ng malalim na peklat hindi lang sa mukha nito kundi sa buo nitong pagkatao?

chap-preview
Free preview
I.
CHAPTER ONE UMIKOT ang paningin ni Jared at halos hindi niya maigalaw ang kanyang katawan sa sobrang sakit. Pakiramdam niya ay nabugbog siya nang husto. Bumangga ang kotse niya matapos niyang iwasan ang malaking truck na biglang sumulpot sa intersection. Nagawa naman niyang umiwas pero bumangga pa rin siya sa puno. Nakapa niya ang ulo nang may umagos na mainit na likido doon. Nanlaki ang mga mata niya. Dugo. Napangiwi siya nang sumigid ang kirot. At bigla niyang naalala si Kim. Nataranta ang buong sistema niya. Nakita niya kung paanong binangga ng truck ang kotseng sinasakyan nito. Dali-dali niyang kinalag ang kanyang seatbelt. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama rito. Nang makababa siya ng yupi niyang sasakyan ay kamuntikan na siyang mabuwal. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakatukod sa sasakyan. "K-Kim..." Wala pa ring tigil sa pag-agos ang dugo sa kanyang ulo. Pasuray-suray siya sa paglalakad. Hinanap ng kanyang mga mata ang kotse kung saan sakay si Kim. "Kim!" Puro puno at damuhan ang nakikita ni Jared. Hindi na niya alam kung saan siya nakarating sa paghabol sa asawa. Halos tumigil ang mundo niya nang makita ang nakabaliktad na kotse sa hindi kalayuan. Binilisan niya ang paglakad. Nakita niya ang truck na bumangga sa kanila na nakatagilid sa kalsada sa hindi rin kalayuan. "Kim!" He got to save her. He got to save her no matter what! "J-Jared..." Kim cried. "U-umalis ka na. I-iligtas mo na ang sarili mo..." Nanghihina ang boses nito, senyales na hindi maganda ang malagay nito. "No!" Jared groaned when he tripped and fell on the hard road. Halos gumapang siya para lang makuha ang kanyang balanse. Hindi niya makita nang maayos si Kim. Sana ayos lang ito. Kaunti na lang, malapit na siya rito. "Alagaan mo ang anak natin..." "N-nandiyan na 'ko, Kimberly." "S-salamat sa lahat... Hayaan mo na kami..." Naghimagsik ang kalooban niya. Mas lalo siyang naging determinado na iligtas ito. Pero ang katawan niya, ayaw namang makasama. Sinalubong ng nakakasilaw na liwanag at nakabibinging ingay na bunga ng pagsabog ng sasakyan si Jared. Tumilapon siya at napaigik. Kim's image flashed his mind. He felt the side of his face and his arm burning. He had no time to feel all the pain in his whole being. Everything just went black. NAPABALIKWAS ng bangon si Jared. He was met by his semi-darkened room. Mabilis ang kanyang paghinga at maging ang t***k ng kanyang puso. That dream again. Limang taon na ang nakararaan pero sariwang-sariwa pa rin ang lahat sa alaala niya. He felt a stinging pain in his heart. Paano niya makakalimutan iyon kung siya ay may kasalanan kung bakit namatay si Kim? Kung hinayaan lang siguro niya ito noong gabing iyon, baka buhay pa si Kim at maligaya sa piling ng lalaking totoong minamahal nito. Pero hindi siya ang lalaking iyon at nanaig ang pagiging makasarili niya nang gabing iyon. His selfishness killed his wife and her lover. Everyone kept telling him that it was not his fault. Paano niya paniniwalaan ang mga ito? Siya ang nakasaksi ng pagkamatay ni Kim noong gabing iyon. Siya ang nagdala rito sa ganoong kapalaran. Walang ibang dapat na sisihin kung hindi siya lang. "Ayos ka lang?" tanong ng isang malambing na boses sa kanyang tabi. Halatang nagising ito nang magising siya. Inaantok pa ang boses nito. Pero sino nga ulit ang babaeng ito sa kanyang tabi? Right. He met her last night, under the heavy rain. Hindi man lang niya naisipang itanong ang pangalan ng babae. Na hindi naman nakapagtataka. He never really cared about other women, especially if they're just for one-night stand. Hindi nakatugon si Jared. He was still catching his breath. "Ayos lang 'yan," muling sabi ng babae. Hinawakan nito ang kanyang mukha at hinaplos. "Panaginip lang 'yon." No, hindi panaginip lang iyon! Hindi niya alam kung hindi niya nagawang sabihing iyon. Para bang natulala siya sa babae lalo na nang mapagmasdan niya ang mukha nito. She's beautiful. And she was a virgin until last night. "Matulog na tayo?" What is he? A little boy? Pero nakakapagtakang hindi na naman siya nakakontra. She pulled his nape and planted a gentle kiss on his lips. That awakened Jared's desire and brought his manhood to erection. Marahas na pinaimbabawan niya ang babae at mapusok na inangkin ang mga labi nito. She moaned and tried pushing him away pero hindi nito magawa dahil sa lakas niya. He continued to r****h her mouth until she eventually submitted, responding to his kisses with equal passion and intensity. She fisted his hair and raised her hips to meet him. Pinaglandas naman ni Jared ang kanyang kamay sa katawan nito. She felt so delicate. He was torn between not wanting to hurt her and wanting to please her in every way possible. He placed his hand between her thighs and inserted a finger. She felt so tight and wet and warm and he can't wait to have his manhood inside her. A moan escaped her throat and started grinding her hips against him. NAGISING si Sonja sa malakas na buhos ng ulan sa labas at sa t***k ng puso ng kanyang katabi. She opened her eyes and found herself locked in a man's tight embrace. Nakahiga siya sa bisig nito at ang kanyang isang kamay ay nakayakap sa baywang nito. Hinaplos niya ang matatag na braso ng lalaki. Nakapa niya ang malaking peklat na sa hula niya ay bunga ng pagkakasunog. She looked up and was met by his handsome scarred face. Payapa pa rin itong natutulog. Sa gilid ng mata nito ay meron ding peklat. Saan kaya nito nakuha ang mga peklat nito? Meron kaya itong iniligtas dati sa isang sunog kaya ito nagkapeklat? His scar looked hideous. Pero para kay Sonja, nasapawan iyon ng kagwapuhang taglay ng lalaki. Maihahambing ang lalaki sa mga hero ng Mexicanovela na pinapanood nilang magkakapatid dati. At para sa kanya, lalo lang nakadagdag sa appeal ng lalaki ang mga peklat nito sa braso at mukha. "Hmm..." Bahagya siyang napainat nang dahan-dahang alisin ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki. Bumangon siya at dumulas ang kumot na nakatakip sa kanilang kahubaran. Nag-init ang kanyang mukha at mahinang napahagikhik nang bahagyang ma-expose ang p*********i ng kanyang katabi. He was still hard and so yummy to her sight. Bago pa man maunahan ng kapilyahan ang kanyang utak ay inayos niya rito ang kumot at bumaba ng kama. Napangiwi siya nang makita ang kanyang pulang backless na damit sa sahig na basa pa. Hindi niya pwedeng suotin iyon kapag umuwi na siya. Magkakasakit siya n'on. At dahil umuulan, nawalan siya ng ganang umalis nang walang paalam sa lalaking nagpaligaya sa kanya. Nakita niya ang pulang mantsa sa bedsheet nito. There goes her precious virginity. Napangiti na lang siya sa halip na makaramdam ng pagsisisi. Hindi naman siya lasing nang may mangyari sa kanila ng lalaki. Walang rason para magdrama siya umagang-umaga. Napasuklay siya sa kanyang buhok at napabaling sa direksiyon ng closet ng lalaki. Manghihiram na lang siya ng damit dito. She needed a good shower, really. LUMAPIT sa glass-panelled wall si Sonja nang mapadaan siya sa sala ng unit ng lalaki. Huminga siya nang malalim at napangiti habang nakikita ang pagbagsak ng ulan sa salamin. Napapakalma siya ng ulan lalo na kung malakas at walang kulog at kidlat na kasama. Pang-ilang floor kaya itong unit na kinaroroonan niya? The guy must be filthy rich. She knew his name was Jared James Yap. Alam niya iyon hindi dahil nakita niya ang business card nito. Nalaman niya iyon sa ibang paraan. Sa pagkakaalam niya, hindi biro ang presyo ng mga condo unit sa building na ito. Sabi pa nga ng kaibigan niyang si Cora, karamihan sa mga starlet na kilala nito ay sa mga condo ibinabahay ng mga mayayamang negosyante at politiko. Sa totoo lang, hindi na mabilang ni Sonja kung ilang indecent proposals na ang natanggap niya sa tagal na niyang nagtatrabaho bilang singer sa mga hotel. Wala siyang magagawa, iyon ang reyalidad. Pero hindi siya gagaya sa mga starlet na iyon. Takot lang niya sa Ate Sanya niya. Although hindi niya malalaman na nakipag-one-night stand na ako sa kung sinong lalaki. It's not that her older sister is too conservative. Old-fashioned lang talaga ito. At iyon ang problema rito. Thirty na ito pero wala pa itong nobyo! Tatalikod na sana siya para pumunta sa kusina nang mahagip ng tingin niya ang isang picture frame na nakapatong sa mesa sa kanyang tabi. Ngayon lang niya napansin iyon. It was a wedding picture. "Wow..." It was him. The man she left in the bedroom. Walang peklat ang mukha nito sa litrato. Kailan kaya nakunan ang litrato? He looked so dashing in his tuxedo. He looked so charming and in love. Hindi niya napigilang mapangiti habang hinahaplos ang frame. He doesn't look cold in this photo. Nalipat ang tingin niya sa asawa nito. Napakaganda nito at mestisahin. Pero parang may mali. Nakangiti ito pero bakit ganoon? Bakit hindi man lang umabot sa mga mata nito ang saya? Hindi nga pala dapat iyon ang pinuproblema niya. The fact is that he was married. Nakipag-one-night stand siya sa lalaking may asawa na, and who knows? May anak pa ang mga ito. Pero parang imposibleng kasama nito ang asawa at mga anak nito sa unit na iyon. Wala siyang nakitang gamit pambabae sa closet nito at kahit saang sulok ng lugar. Is he not a faithful husband? Nanulis ang nguso niya sa pag-iisip. At kumulo ang kanyang tiyan. Mukhang ang sikmura niya muna ang kailangan niyang lamnan bago ang mga tanong na hindi naman dapat niya pinoproblema. BINUKSAN ni Sonja ang malaking refrigerator at namangha siya nang makitang punong-puno ng stocks iyon. May gulay, prutas, karne, desserts, at chocolate na paboritong inumin ng mga bata. So hindi rin ito nag-iisa sa unit na 'yon si Mr. Scarred And Yummy. "Nagugutom na talaga ako!" Naglabas siya ng mga itlog at tinapay sa ref. Gagawa siya ng egg sandwich. Inilabas na rin niya ang nakita niyang lettuce. Saka na lang siya hihingi ng sorry sa lalaking 'yon. Gutom na talaga siya. Binuksan ni Sonja ang stove at isinalang ang kawali. "You and I and nobody else... Feeling feelings I've never felt..." Nilagyan niya ng mantika ang kawali nang sa tingin niya ay mainit na iyon. Noong bata sila, lagi silang sinasabihan ni Ate Sanya na huwag kakanta habang nagluluto dahil makakapag-asawa raw sila ng matandang biyudo paglaki nila. She used to believe in that. "The way you got me under your spell... Don't you keep it all to yourself..." Ang hindi lang niya mapaniwalaan ay nakukuha pa niyang kumanta habang nagluluto sa kusina ng hindi naman niya kakilala. Gutom nga naman, kapag pumasok sa sikmura nino man. "Just a touch of your love is enough to knock me off of my feet all week..." She tried swaying her hips pero napangiwi siya nang sumigid ang munting kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. She laughed it off though. "Just a touch of your love... Just touch of your love..." Nang maluto ang mga itlog ay pinatay na niya ang stove at nag-init naman ng tubig sa heater. At home na yata ako, ah? "Photograph with no T-shirt on... Why you making me wait so long?" "Why are you still here, Virgin Mary?" Napasinghap si Sonja nang marinig ang buong-buong boses na iyon sa kanyang likuran. Nakita niya na nakasandal si Jared sa entrance ng kusina, nakakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib at bahagyang nakakunot ang noo. Nakasuot na ito ng puting T-shirt at itim na jogger pants. Sa tantiya ay hindi lalagpas sa anim na talampakan ang tangkad nito. Humarap siya rito. Painosente niya itong nginitian. "H-hindi Virgin Mary ang pangalan ko." Ano na, Sonja? tanong niya sa sarili. Magagalit kaya ito? Sisigawan siya at palalayasin? Hindi tumugon si Jared at sa halip ay hinagod ang kabuuan niya. Nagtagal ang mga mata nito sa dibdib niya. Naaaninag kasi iyon sa suot niyang T-shirt nito na manipis. Nag-init hindi lang ang pisngi niya kundi ang buo niyang katawan. Tumikhim siya at nagtaas-noo. Hindi siya dapat magpa-intimidate dito. "Aalis din ako kapag tumila na ang ulan. But if you don't want me here, aalis na lang ako. I'm really sorry—" "Hindi mo pa nga nasisimulan ang pagkain mo," putol nito. Napatingin siya sa tapos nang gawing sandwich. Kumulo na naman ang tiyan niya. At narinig iyon ng kaharap. "Gutom na kasi talaga ako, Mister," napangiwing sabi niya. "I was expecting you to be gone when I woke up." Naglakad ito palapit sa mesa at umupo sa stool sa tabi niya. "I know," wala sa loob na tugon niya. "Hindi mo kailangang magmadaling umalis. Ako lang ang nandito. Wala rito ang anak ko at ang yaya niya. Bukas pa sila uuwi." "What about your wife?" Mukha itong natigilan pero sandali lang 'yon. "She... she won't mind." Mukhang hindi yata magandang idea na itanong niya iyon. "Mukhang pamilyar ka na rito sa kusina," pag-iiba nito. Napatingin ito sa heater nakasaksak. "Are you making coffee?" "S-sana..." Naupo siya sa tabi nito. "G-gusto mo?" alok niya ng sandwich dito. "This looks delicious," komento nito. Parang batang ngumiti si Sonja. "Thanks." Kinuha nito ang sandwich at kumagat nang malaki. Mukhang gutom din ito. Hindi tuloy niya napigilang pagmasdan ito habang kumakain. "This is good," sabi pa nito. "Sandwich lang 'yan. Huwag ka munang mai-in love," biro niya. Napaubo si Jared. Natawa naman siya. "Gusto mong igawa kita ng kape?" "Yes, please."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

The Young Master's Maid

read
749.8K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.0K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook