II.

1916 Words
CHAPTER TWO NARIRINIG ni Sonja ang boses ni Jared sa labas pero hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Mukhang sa cellphone ito may kausap. Siya naman ay hinuhugasan ang pinagkainan nila. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nito tinatanong ang pangalan niya. Hindi ba siya mukhang interesting sa paningin nito? Ano nga ba ang dapat niyang asahan? She's just a one-night stand. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang isiping iyon. Nang matapos siyang maghugas ng pinggan ay lumabas na rin siya. Nakatayo sa harap ng glass-panelled wall si Jared, sa tabi ng wedding picture nito. Tumila na ang ulan. She just stood there until he bid good-bye to someone on the other line. "Uuwi na 'ko," kaswal na sabi niya nang lumingon ito at lumapit sa kanya. "I almost forgot," anito. "How much?" Napataas ang kilay niya. Ano ang pinagsasasabi nito? "How much... what?" naguguluhang tanong niya. "About last night." Kumunot ang noo niya. Tinatanong pala nito ang presyo niya. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "I am not a s*x worker." "Your lack of experience said so." She almost hissed at him. Ipamukha ba sa kanyang virgin siya? Inirapan lang niya ito. "What is your name, woman?" tanong nito. May mumunting ngiting sumilay sa mga labi nito. Funny but it made Sonja's heart skipped a beat. "Akala ko, hindi mo na 'ko tatanungin. Sonja Sta. Maria, at your service." Inilahad niya ang kanyang kamay. "You are?" Kunwari hindi niya alam. "Jared James Yap. You can just call me 'Jared'." Tinanggap ni Jared ang kamay niya. Sa halip nga lang na pisilin iyon ay dinala iyon ni Jared sa mga labi nito at hinalikan ang likuran ng kanyang palad. His eyes didn't leave hers. Napatulala tuloy siya rito. She felt weird... and giddy at the same time. Tila may maliliit na boltahe ng kuryenteng gumapang sa kanyang kamay papunta sa iba't ibang parte ng kanyang katawan sa simpleng pagdantay ng labi nito sa kanyang balat. Kinikilig ba siya sa lagay na iyon? At tama bang kiligin siya sa ka-one-night stand lang niya? Ang gulo ko rin talaga. "Hindi ka ba natatakot sa akin, Miss?" tanong nito. "Bakit naman ako matatakot?" "I am ugly." "Dahil sa peklat mo?" Umasim ang mukha niya. "Araw-araw, ang dami kong nakakasalamuhang taong wala namang peklat kagaya mo pero pangit at nakakatakot ang ugali. Ang gwapo mo kaya. Lalo na sa wedding picture mo." Nakita na naman niya ang sandaling-sandaling pagkatigil ni Jared. "At mabango ka rin," mabilis na dugtong niya. "Thanks," he said with a smile. "I'm glad you don't mind. Hindi ako gaanong na-conscious." Kumunot ang noo ni Jared na parang nahihiwagaan. "Weird," anito. "Are we supposed to talk like this?" Sa halip na tumugon ay umangat ang isang kamay ni Sonja at hinaplos ang peklat ni Jared sa mukha. He flinched but he didn't move away. Hindi rin maintindihan ni Sonja pero parang nama-magnet siya rito kahit noong unang beses niya itong makita. Who'd have thought? "Pa'no mo nakuha ang mga 'to?" tanong niya. Napasinghap siya nang marahas na hulihin ni Jared ang pulsuhan niya at inilayo sa mukha nito. Dumilim ang anyo nito nang para bang merong naalala. Katulad din ng pagkakabanggit niya tungkol sa asawa nito kanina. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. "Ihahatid na kita." Nag-iwas ito ng tingin at agad siyang tinalikuran. Dumeretso ito sa kwarto nito. Ano'ng ginawa mo, Sonja? Tinampal niya ang kanyang noo at napakagat-labi na lang. BINALIKAN siya ni Jared. Nakasuot na ito ng itim na long sleeves, denim pants, and rubber shoes. May makapal na jacket na nakasabit sa braso nito. Hawak din nito ang purse at sapatos niya. "I believe this is yours," sabi nito. "T-thanks." Kinuha niya ang mga gamit at yumuko para isuot ang sapatos niya. Napaigtad siya pagtayo niya nang tuwid nang ilagay ni Jared ang jacket sa kanyang likuran. Hindi niya inaasahan iyon. "Suotin mo para hindi ka lamigin." Nahihiya man ay isinuot na rin niya iyon. Malaki at makapal ang jacket. Umabot iyon sa kalahati ng kanyang hita. Hinawakan ni Jared ang laylayan ng jacket at ito na mismo ang nag-zip niyon. Dahan-dahan hanggang sa bandang dibdib niya. Hindi alam ni Sonja kung bakit parang kinakapos siya ng paghinga nang mga sandaling iyon. Ayaw niyang isipin na parang inaakit siya ni Jared. He was just zipping her jacket! "Hindi ka talaga natatakot sa mukhang 'to, Sonja?" Sa isang iglap ay gahibla na lang ang layo ng mga mukha nila. Wala sa loob na napalunok siya. "Namumula ka." Walang salitang hinuli ni Sonja ang mukha nito at hinalikan ito nang mariin sa mga labi. "MATANONG ko nga pala. Ano'ng ginagawa mo sa gitna ng ulan kagabi?" tanong ni Jared nang lulan na sila ng kotse nito. Hindi napigilan ni Sonja ang mapasimangot nang maalala ang dahilan ng pagtatagpo nila nito. Wala siya sa sarili habang naglalakad kagabi at inabutan na siya ng ulan pero hindi niya iyon ininda. Mas nangingibabaw ang pagka-badtrip niya sa mundo at sa mga tao sa paligid niya. "Akala ko kasi, simula kagabi, matutupad na ang pangarap ko." Hindi napigilang umasim ang mukha niya nang maalala ang m******s na producer na iyon na kausap niya dapat kagabi. "May nakilala akong tao sa hotel na kinakantahan ko. Sabi niya, record producer daw siya at matutulungan niya akong makakuha ng recording contract. Unang tingin pa lang, alam kong hindi gagawa ng mabuti ang taong 'yon. Pero konektado kasi siya sa isang kilalang recording company. Halos lahat ng mga paborito kong singer, nakakontrata doon. "Nagtiwala ako kasi ang dami niyang ipinangako sa 'kin. Pasisikatin daw niya ako at magkakaroon ako ng concert dito at sa labas ng bansa. Ang sabi ng Ate ko, huwag ko nang ituloy dahil baka kung ano pa ang hingin sa akin ng taong 'yon bilang kapalit." Napalatak siya. "Pero wala, e. Matigas ang ulo ko. Hindi ko alam kung darating pa ang gano'ng oportunidad sa 'kin kaya kahit tutol sila, itinuloy ko pa rin. "At habang magkausap kami tungkol sa kontrata kagabi, bigla na lang dumating ang mga pulis at inaresto siya sa salang r**e at s****l harrassment. Patong-patong na kaso. Nakita ko iyong dalawa sa mga biktima niya na kasama ng mga pulis. Menor de edad at pinangakuan din daw niyang magiging singer. Ang laki kong tanga, 'di ba?" Natawa siya nang mapakla. "Hayop, 'di ba? Akala ko, mukha lang siyang m******s na baboy. Totoo pala. Ang tanga-tanga ko." Nakuyom na lang niya ang kamao sa panggigigil. "Well, that pig deserved to rot in jail," may bahid ng galit sa boses na komento ni Jared. "It was a blessing-in-disguise, Sonja. Baka naging biktima ka pa ng sira-ulong 'yon sakaling natuloy ang usapan ninyo." "Kaya nga nag-good-bye na rin ako sa pangarap ko." Napabuntong-hininga na lang si Sonja. "Baka hindi lang talaga para sa 'kin ang maging recording artist." "Don't say that. Marami pang opportunity ang darating sa'yo. With that talent of yours?" Napalitan ng pagkamangha ang ekspresiyon niya nang mapatingin sa seryosong mukha ni Jared. "'You think I'm talented?" "Well, narinig kitang kumanta sa kusina ko kanina. I think you're sexy doing that," he said matter-of-factly. Hindi niya napigilan ang mapabungisngis. "Nakakahiya." "You were care-free." "Hindi ko naman alam na merong audience. Salamat sa pahinto mo ng kotse mo at pagpapasakay sa 'kin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa 'kin sakaling hindi ka dumating." "Don't mention it, Sonja." Nang matanaw na niya ang shop ng Ate Sanya niya ay nakaramdam siya ng lungkot. "Diyan mo na lang ako ibaba," turo niya sa 'stop' sign sa ilalim ng puno. "Bakit diyan?" nakakunot ang noong tanong nito. "Diyan ako nakatira sa building na 'yan. 'Yan ang shop ng Ate ko. Family business namin 'yan." Huminto ang kotse ni Jared sa gilid ng kalsada at gulat na gulat ito. Nagtatanong ang mga mata nito nang mapatingin sa mukha niya. "Natatandaan kita, Jared. Ilang beses ka nang bumibili sa shop namin. Alam ko na rin ang pangalan mo bago ka pa man magpakakilala." "Then how come..." Lalong lumalim ang kunot sa noo nito. "Nagkaharap na tayo dati. Hindi mo lang napansin ang ganda ko. No, don't ever think I planned this." Bahagya niya itong pinaningkitan. "Thanks for last night. See you when I see you. Ingat ka." Kinalag na ni Sonja ang seatbelt niya. They shared one last passionate kiss before she got out of his car and walked away. Pigil na pigil ni Sonja ang sarili na lingunin si Jared. She shouldn't, right? Baka isipin nitong umaasa siya na masusundan pa iyong encounter nila. Dapat ay kontentuhin na lang niya ang sarili doon. She shrugged it off her mind. Kung ano man ang mangyari sa kanila pagkatapos n'on, e di mangyari nga. "HI, ATE!" Painosenteng nginitian ni Sonja ang kapatid nang tumuloy siya sa maliit nitong opisina. Naabutan niyang kumakain ng tanghalin ang kapatid. Dumeretso siya sa bahay nila para magpalit ng matinong damit at saka bumaba sa Tres Mujeres—ang family business nilang coffee shop s***h bookshop s***h vase shop. Tatlo kasi silang magkakapatid na babae. Si Sanya ang panganay, siya ang sumunod, at si Sannie naman ang bunso. Fourth year college na si Sannie sa kursong Fine Arts. Dating truck driver ang tatay nila na nasawi sa isang aksidente sampung taon na ang nakararaan. Ang nanay naman nila ay kasalukuyang nasa Amerika at nagtarabaho bilang caregiver. Magwawalong taon na ito doon at bihira lang umuwi para makasama sila. Ilang beses na nila itong kinumbinseng umuwi pero mahal na ng nanay nila ang trabaho doon, sinusuportahan na lang ito. "'Hi' mong mukha mo," pakli nito. "Ang sungit naman ng matandang dalaga namin." "Ang sabi mo kagabi, may kikitain ka lang. Ni hindi ka man lang nakaalalang tumawag para ipaalam na hindi ka makakauwi at tanghali ka nang umuwi. Nasa'n ang cellphone mo? Bakit hindi kita ma-contact? Sa'n ka galing? Sino'ng kasama mo?" litanya nito. "Nasa harap ka ng grasya, o." Naupo siya sa bakanteng upuan at inilagay doon ang kape niyang kinuha niya sa shop. "Nakipagkita ako sa record producer." Napanganga si Sanya. "So sinamahan mo siya? Gaga ka talaga, Sonja. Isusumbong na talaga kita kay Nanay!" "Grabe, ganyan ba ang mga matatandang dalaga? Nagiging judgmental na?" "Isang 'matandang dalaga' pa, ha," pakli nito. Napabungisngis siya. "I'm sorry kung naging matigas ang ulo ko," sabi niya nang sumeryoso na. "Tama ka, Ate. Wala ngang magandang maidudulot sa akin ang pakikipag-usap ko sa Mr. Agustin na 'yon. At hindi natuloy ang usapan namin dahil inaresto siya ng mga pulis kagabi sa kasong r**e at s****l harassment. Sa harap ko mismo. Nakakaloka, 'no?" Napamaang naman ang kapatid niya. "Kaya rin ako hindi nakauwi kasi malakas ang ulan at nakitulog ako sa... kaibigan ko. Kay Cora. Hassle mag-commute kapag umuulan, alam mo naman." Uminom siya ng kape para maiwasan ang tingin nito. "Kita mo na, Sonja? Buti na lang, nahuli na ang lalaking 'yon bago ka pa man niya mabiktima. Marami pa namang paraan para maabot mo 'yong pangarap mong maging recording artist. Hindi mo kailangang kumapit sa mga taong kagaya ng producer na 'yon." Napakamot siya sa kanyang ulo. "Oo na, alam ko na 'yon. Hindi na nga mauulit, 'di ba? Kumain ka na diyan." "Ikaw, hindi ka ba kakain?" Lumambot na ang ekspresiyon ng kapatid niya. "Busog pa 'ko. Gusto ko lang ng kape. Ang lamig ng panahon, 'no? Parang ang sarap magpayakap sa lalaki." Ang talim tuloy ng tingin sa kanya ni Sanya. Kamuntikan nang masamid si Sonja nang bumunghalit siya ng tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD