Chapter 30

3246 Words

“ANONG miryenda natin?” tanong ni Nadine sa mga kasama bandang alas dos ng hapon. Medyo humupa ang dami ng tao na namimili at tapos na rin niyang kausapin ang isang teacher na gustong magbigay siya ng speech tungkol sa social entrepreneurship. Konektado sa miyembro ng Paradise Resort na si Mrs. Gamboa ang naturang guro kaya siya imbitado. Gustong makatulong ang mga ito sa kanya para mapawi ang di magandang imahe nila ni Miller sa publiko. "May padala na bang cupcake kay Miller 'yung si Chloe?" tanong ni Tessa sa kanya na pinatunog pa ang bibig na parang sabik na sabik kumain. "Adik ka talaga. Parang gusto mo na manligaw pa rin si Chloe kay Miller." "Ikaw din naman adik doon sa cupcake ng ex niya. Kaya nga di ka mapakali. Saka ikaw itong unang nagbenta kay Miller. Sabi mo tanggap lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD