“DO we really need to attend this party? Di kayo magkasundo ni Director Chavez,” paalala ni Nadine sa kay Miller habang nakasakay sila sa Cadillac na naka-assign na sakyan nila. Bohemian ang theme ng party kaya naman nakasuot siya ng dress na may bell sleeves at boots habang naka-chino shirt na may burda si Miller at jeans. Sa isang resort sa Tanay gaganapin ang party. “Yes. Hindi nga siguro kami magkasundo pero mabait naman sa atin ang anak niya. She invited us. We need to socialize,” paalala ng binata. “We have a lot of catching up to do.” “Napaplastikan pa rin ako sa ibang tao hanggang ngayon.” Isang buwan na ang lumilipas mula nang maging usap-usapan ang relasyon nila ng binata. Humupa na iyon pero dama pa rin niya ang pangmamata dito ng mga tao. Di lihim sa kanya ang makahulugang t

