Si Chloe Salgada, ang ex-girlfriend ni Miller at ang babaeng minahal nito nang todo. Mukha siyang mas maliit dito dahil sa tangkad na 5’9” ng babae. Mukha itong mas matangkad dahil sa mahahaba nitong biyas. She was a model before she became a chef. Nagkaroon pa nga ito ng programa sa TV noon kung saan assistant I ng isang chef sa isang cooking show. Dinadayo pa ito ni Miller noon sa New York mula sa Pennsylvania kung saan nag-aaral ng Masters in Business ang binata. Ang alam niya ay plano nang magpakasal ng mga ito matapos ang Masters ni Miller. Hanggang nalaman na lang niya na naghiwalay ang mga ito at pumunta na sa Paris ang babae. Hindi niya alam na nakabalik na pala ito sa Pilipinas. Muntik na niyang sabunutan si Chloe kundi lang inilayo ni Miller ang sarili dito. “Chloe!” pagalit n

