Ok na ok na siya, Sir. Kasunod ng reply ni Karim ay pumasok ang picture sa Messenger ni Miller. Nakasuot ito ng flower halter top, kulot ang mahaba nitong buhok at naggo-glow ang balat. Nasa dancefloor ang dalaga habang nakatingala at humahalakhak. Mukhang masaya ito sa party kahit na wala siya. Masaya ito habang may lalaking nakahawak sa baywang nito - matangkad, moreno, hanggang balikat ang buhok at mukhang reincarnation ni Tarzan dahil wala itong suot na pang-itaas na damit. Nag-init ang mata niya nang makita ang kamay nitong nakahawak sa baywang ni Nadine. Iba na ang lalaki ang kasama nito. Ibang lalaki ang nagpapasaya dito. It should have been him. Bigla siyang tumayo. “I must go.” Tumingala sa kanya ang mga kasama. “Where are you going?” tanong ni Chloe. “To Tarlac. Late na ako

