“SO, YOU two are officially together now?” Nagkatinginan sila ni Miller sa tanong ni Uncle Max. Nagla-lunch sila kasama ang kanilang mga ama. Kauuwi lang ng mga ito nang nagdaang gabi mula sa cruise. Nagpahanda ng tanghalian ang ama niya sa lanai ng mansiyon. It was supposed to thank Miller for putting up with her for a month. Pero halata naman ang pagiging attentive at madalas na pagngiti sa kanya ni Miller. “Hindi ninyo kailangang matakot,” sabi ni Julio na nakangiti. “I mean, you two are grown-ups. We are your parents. Wala kayong kailangang itago. Mas mabuti nang sa inyo namin marinig kaysa sa iba pa namin malaman.” Hinawakan ni Miller ang kamay niya. “I am still courting her.” Hindi inaasahan ni Nadine na iyon ang isasagot ng lalaki. Hindi pa nga niya pormal na sinasagot si Mille

