“MISS, di ba kayo ‘yung may nag-propose ng kape tapos muntik nang ihulog ‘yung ka-date niya sa bangin. Paano kayo nagkaroon ng ganyan kaguwapong boyfriend?” nakangiting tanong ng sales staff nang umorder sina Nadine at Miller ng sisig meal sa isang stopover sa North Luzon Expressway. Nag-freeze ang ngiti niya at itinuro si Miller na nakaakbay sa kanya. “Ito? Kinulam ko kaya baliw na baliw sa akin ‘to.” “Yeah, right!” sabi ni Miller at kinintalan siya ng halik sa pisngi. “Ang hirap ngang makawala sa gayuma mo. Pakibilisan na lang ang serving ng sizzling sisig namin, Miss. Baka kasi mangain na ng tao itong girlfriend ko. Gutom na.” “Ang yummy naman kasi ninyo, Sir. Kahit ako nagugutom,” anang babae at kinagat pa ang pang-ibabang labi saka malagkit na tiningnan si Miller. “Pengeng buhok

