"SINABI ko naman sa iyo na dumistansiya ka sa Tita Monina mo. Look at this article. Ikaw na mismo ang puntirya. High class gigolo ka daw at ibinenta mo ang sarili mo para maging susunod na presidente ng East Star Holdings. And Monina is your pimp.” Nanggagalaiti sa galit ang ama ni Miller na si Max habang ipinagwawagwagan sa harap nila ang iPad nito. Nasa condo sila ng binata Linggo pa lang ng umaga. Nabitin ang weekend getaway nila nang Sabado ng gabi ay pabalikin sila nito sa Maynila. Di natuloy ang overnight nila sa lake dahil sinundo sila ng isang staff ng tiyahin kahit madaling-araw. Si Tita Monina ang tinawagan ni Uncle Max dahil hindi ma-contact ang number nila ni Miller. Walang signal sa lake area. They were given a heads up before leaving the resort. Lumabas ang video ng interv

