A Die Mori
Sa wakas, nasa harapan na ni Roy Constantino Erasmo II ang apat na mga puntod. Ang pinakaluma nito ay sa kanyang ina. Ang iba ay sa kanyang ama at sa nakakantandang kapatid na lalaki. Nagtaka siya kung bakit walang siya mailuha. Naisip niya na baka wala ng natira.
"Nauna si Kuya Ron, Kuya. Sumunod si Dad pagdaan ng dalawang linggo." Nakatayo sa likod niya ang pinakabunsong kapatid, isa sa dalawang babae. Hindi siya napalingon sa sinabi nito.
Bagkus, napahinagpis si Roy ng napakalalim na hindin nakapigil ang kapatid niya na maiyak. Tumingin sa kalangitan si Roy, itinaas ang takip sa mukha, at tinanggal ang takip sa bibig. Namalayan lang ng kapatid niya ang takip ng ibinaba na ni Roy ang kanyang kamay.
"Kuya!" Puno ng pangamba ang boses niya.
Dito na lumingon si Roy sa kanya at ipinakita ang isang mukhang napakalumbay. Nagulat siya sa kalungkutan nito na waring nakita na niya noon. Tumingin siya ulit sa lupa, humihikbi. Nilagyan ni Roy ng palumpon ng bulaklak ang bawat puntod, ang sa kanyang ina ang pinakahuli. Pagkatapos, hinalikan niya ang mga ito, una ang sa kapatid at huli ang sa ama.
Niyakap si Roy ng bigla ng kapatid. Hinalikan din ni Roy ang ulo niya.
"Nawalan din sila ng boses bago pumanaw. Katulad ni Mommy."
Namatay si Charo ng kanser sa lalamunan lampas dalawang dekada na. Ang alaala ng kamatayan ng ina ang nagpatangis kay Roy sa wakas. Humina ang mga tuhod nito, kungkaya't napaupo siya sa lupa. Sumigaw siya habang binabaon ang mga daliri sa lupa at sinusungab ang mga damo. Walang tinig na lumabas.
Habang tinitignan niya si Roy, naalala niya ang kalungkutan sa mukha nito. Ito ang mismong mukha niya nang inilibing nila ang kanilang ina.
Umiwas siya ng tingin, nararamdaman na ang kasunod na mga luha, ngunit nadakip ng napakaraming puntod sa kapaligiran nila ang pansin niya. Agad-agad natumbok niya na ito ay ang mga biktima ng pandemya na sumunod sa COVID-19. "Tinalikuran na ba tayo ng Diyos?" Nabigkas niya ang tanong niya ng hindi namalayan.
Oo, sagot ni Roy sa isip niya.