Di alam ng pamilya ni Travis na pupunta siya ngayon, thanks to Dustin and Lira. Si Drix ang naghatid sa kanya gamit ang private plane nito. Habang nasa biyahe siya kanina ay panay ang dasal niya na sana maging maayos ang kanilang pagkikita. Maingat silang pumasok sa loob. "s**t! This is bullshit!" Dinig nilang mura ni Travis. "Shhh this will be quick." Sabi pa ng kausap nito. Pag silip niya ay doon tila nanikip ang dibdib niya ng makita ang hitsura nito. Payat na payat at halos di na makilala pero sa puso niya ay ito parin ang lalaking minahal niya. Mabilis siyang lumapit at tumayo sa harap nito. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito ng makita siya. "L-loraine..." Niyakap niya ito ng mahigpit bago humagulhol, paanong ang isang mabuti at malakas na lalaki naging ganito na. Napakal

