Mag bibiyahe pauwe ng Pilipinas si Dustin kinabukasan may kasama naman ito na co pilot nito, pinatulog na muna nila lalo at matagal din ang naging biyahe almost twenty hours kagandahan lang kasi tulog siya boung biyahe kaya di siya masyadong puyat at pagod. "Ang saya niya ngayon. Ilang buwan ko ding di nakita ang ganyang ngiti niya. Palagi yang tulala pag umaga dyan, pag hapon naman ganun din." Sabi ng Mommy nito. Nakatanaw sila sa dalawang magkaibigan na naghuhintahan. "Di ka naman nagalit sa kanya Raine?" Tanong ng Tita nito na nakaupo sa kanugnog na upoan niya. "Sinungaling po ako kung sabihin ko na hindi ako nagalit. Dahil unang una masakit po talaga na di niya ako hinayaan na alagaan siya." Sabi niya sa ginang. "Mahal na mahal ka niya na natatakot siya na baka mapahamak ka. Nang

