Wala man lang lumapit sa kanila, may mga ilang minuto na ang lumipas simula ng mag umpisang magtatawag ang kanyang nanay. Masakit na masakit na ang kanyang tiyan at tila ba ay mawawarak ang kanyang balakang. Napahawak siya kasabay ang pag iyak sa takot na maaring may masamang nangyari sa kanyang mga anak. "Tulongan nyo kami!" Sigaw na muli ng nanay niya. "Tulong, tulongan nyo kami." Muling sigaw ng nanay niya. "Nay!" Sigaw niya ng maramdaman ang muling pag hilab ng kanyang tiyan na tila may dugo na buo na bumulwak mula sa kanyang sinapupunan. "Diyos ko po ang mga apo ko!" Umiiyak na bulalas ng kanyang nanay ng makita ang tila boung dugo sa sahig. Saka namang pasok ng kanyang tatay kasunod ang bayaw niya. "Anong nangyari?" Tanong ni Tatay na natulala ng makita ang maraming dugo na naka

