Anak Ng Callboy II Chapter 44 "Bakla jusko! Nakakaloka kanina!" sigaw ni Amir. Kakauwi lang ni Amir kasama sila Hayes, Nixon at Carlos galing sa burol ni Eduardo. Ang tinutukoy niya ang mga nangyari sa burol kanina. "Amir, ang lakas ng boses mo. Ano bang ibig mong sabihin?" kunot noo tanong ni Carlos. Habang naglalakad si Carlos papasok sa loob ng bahay ni Hayes ay napatingin siya sa kanyang hinahawakan cellphone. Napangiti na lang siya ng makita ang text message ni SPO2 Raven Santos sa kanya. Agad na binuksan ni Carlos ang text message sa kanya ng makisig na pulis at nabasa niyang nangangamusta ito. Tinanong ito kung nakauwi na ba siya? Lalo napangiti si Carlos sa kanyang naiisip na para bang magkasintahan silang dalawa ni Raven. Kanina sa burol ni Eduardo ay nagkaroon sila n

