bc

Anak Ng Callboy 2

book_age18+
772
FOLLOW
4.9K
READ
revenge
dark
tragedy
twisted
ambitious
evil
captain
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

s*x is more than an act of pleasure, it’s the ability to be able to feel so close to a person, so connected, so comfortable that it’s almost breathtaking to the point you feel you can’t take it. And at this moment you’re a part of them.

Thom York

chap-preview
Free preview
Callboy 1
Anak Ng Callboy 2 Chapter 1 "Mr. Balmores, tapos na po ang pinapagawa ninyo," magalang na sabi ni Antonio.  Si Antonio ang isa sa mga pinagkakatiwalaang bodygurad ni Mr. Hidalgo Balmores. Matagal na siyang nagtratrabaho sa pamilyang Balmores. Malaki ang utang na loob niya sa pamilyang pinagsisilbihan niya na buong buhay niya. Si Mr. Balmores ang kanyang amo ang nagsalba sa kahirapan ng kanyang pamilya at malaki ang utang na loob niya rito. Kaya lahat ng pinag-uutos nito sa kanya ay walang pagdadalawang isip niyang sinusunod.  Nandito ngayon si Antonio sa opisina ng bahay ni Mr. Balmores dahil magre-report siya sa pinag-utos nito sa kanya. Ngayon ay nakatayo siya sa harapan ng kanyang amo na nakaupo sa isang office chair habang abala itong nakatingin sa screen ng laptop nito.  "Malinis ba ang pagkakagawa mo? Alam mo naman na ayaw na ayaw ko ng maduming trabaho," seryosong sabi ni Mr. Balmores.  Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Mr. Hidalgo Balmores. Napasandal na lang siya sa kanyang upuan at inunat-unat niya ang kanyang kamay dahil ilang oras na siyang natitipa sa laptop niya dahil meron siyang ginagawang presentasyon para sa darating na annual convention sa susunod na buwan. Ang annual convention ay ang malaking pagtitipon ng mga negosyante ng lalawigan ng Lubao. Lahat ng mga maimpluwensyang tao at mga negosyante sa lalawigan ng Lubao ay magtitipon-tipon sa annual convention sa susunod buwan.  Kinakailangan ni Hidalgo na maging maayos ang presentasyon niya para lalo dumami ang mag-invest sa kanyang kumpanyang Balmores Group of Company. Nagsumikap siya sa buhay para maitayo niya ang kumpanyang nakapangalan sa kanya. Ang kumpanyang bunga ng kanyang pawis at dugo sa pagtratrabaho. Ang kumpanyang bumubuhay sa kanyang pamilya. Ginagawa niya ang lahat para lalong mapalago ang kanyang kumpanya para na rin ito sa kanyang pamilya.  Ayaw ni Hidalgo na maranasan ng kanyang tatlong anak ang hirap na naranasan niya noong kabataan niya. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang panganay at anak sa labas na si Hayes.  Sa ikalawang pagkakataon ay isa na naman malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hidalgo. Seryoso itong tumingin sa isang matangkad at maskuladong lalaking na nakatayo sa kanyang harapan. "Opo Mr. Balmores, wag po kayong mag-alala nabayaran ko na po ang dapat na bayaran," ngising sagot ni Antonio.  "Kung ganun ay balitaan mo pa rin ako sa kalagayan ng tangin*ng callboy na iyan," seryosong sabi ni Hidalgo.  Pinaalis na ni Hidalgo ang kanyang bodyguard na si Antonio at hinintay na muna niyang makalabas ito sa kanyang opisina bago siya tumayo sa pagkakaupo. Pumunta siya sa malaking bintana ng kanyang opisina niya kung saan nakikita niya ang magandang tanawin sa labas ng bintana.  Isang malawak na lupain na maraming mga puno ng mangga na hitik sa bunga ang nakikita ngayon ni Hidalgo. Ang malawak na lupain na nakikita niya ngayon ay ang isa sa bunga ng pagsusumikap niya sa buhay. Noon pa man ay gusto na niyang magkaroon ng malawak na lupain. Nagsumikap siya sa pagtratrabaho at nag-ipon siya para makabili ng malawak na lupain.  Lahat na yata ng klaseng trabaho ay pinasukan ni Hidalgo. Naging basurero hanggang makapasok siya bilang janitor sa isang sikat na paaralan sa bayan ng Santiago at doon niya nakita ang kanyang asawang si Helga Martinez. Naglakas loob siyang magpakilala rito ngunit dahil na rin mayaman ang binibining napupusuan niya at mahirap lang siya ay hindi siya nito pinansin.  Walang araw na hindi nararanasan ni Hidalgo ang kutyain at asarin ng mga kaibigan ni Helga. Lahat ng iyon ay tiniis niya para lang manatili siya sa trabaho at makita niya araw-araw ang magandang binibining si Helga Martinez.  Isang araw ay nagkaroon ng scholarship program sa paaralan na pinagtratrabahuhan ni Hidalgo. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon ay sumali siya sa scholarship program ng paaralan. Sa angkin talino niya ay nakapasa siya at nakakuha siya ng scholarship sa paaralan.  Akala ni Hidalgo ay tuloy-tuloy na ang kanyang suwerte ngunit sa pagpasok niya sa paaralan bilang isang estudyante ay doon niya naranasan ang kalupitan ng mga kaibigan ni Helga. May mga pagkakataon na nawawala ang kanyang mga gamit sa paghahanap niya ay makikita na lang niya sa may basurahan. Minsan ay naglalakad siya sa hallway ng paaralan at bigla na lang siyang itutulak sa pader ng kasintahan noon ni Helga na si Arthuro Soriano.  Napaiglad na lang si Hidalgo ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang kanang balikat. Sa palingon niya ay nakita niya ang pinakamagandang babae nakilala niya sa buong buhay niya. Ang kanyang asawa na si Helga Martinez na nakangiting nakatingin ito sa kanya.  "Ang lalim yata ng iniisip mo Hidalgo?" ngiting tanong ni Helga.  "Hindi naman masyado," tipid na sagot ni Hidalgo.  Ibinalik ni Hidalgo ang tingin niya sa labas ng bintana. Naramdaman niyang inilingkis ng kanyang asawang si Helga ang kamay nito sa kanyang matipunong braso at isinandal nito ang ulo nito sa kanyang balikat. Tinanong nito sa kanya kung ano ang ginagawa ni Antonio rito sa opisina niya? Dahil nakita nito na lumabas ang kanyang bodyguard sa opisina niya.  "May pinag-utos ako sa kanya at nagawa naman niya ito ng maayos," seryosong sagot ni Hidalgo.  "Ano na naman ba ang inutos mo sa bodyguard mong si Antonio?" usisa ni Helga.  Nakita ni Helga na ngumising tumingin ang kanyang guwapong asawa sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Parang alam na niya ang pinag-utos ni Hidalgo sa bodyguard nitong si Antonio.  "Tinuruan ko na naman ng leksyon ang tang*nang callboy na iyon," ngising sagot ni Hidalgo.  Ang tinutukoy na callboy ni Hidalgo ay si Eduardo Arizabal ang kinababaliwang lalaki ng kanyang panganay na anak na lalaki na si Hayes. Noong malaman niya na may kasintahan ang kanyang panganay at anak sa labas na si Hayes ay natuwa siya ngunit agad din nawala ang ngiti niya sa kanyang labi sa kanyang nalaman.  Nalaman ni Hidalgo na ang kasintahan ni Hayes ay isang lalaki. Hindi niya inaasahan na bakla ang kanyang anak at ang masahol pa ay isang callboy ang naging kasintahan ng kanyang panganay na anak. Kahit anak niya sa labas si Hayes ay pantay pa rin ang tingin niya rito. Lahat ng luho ay ibinibigay niya sa kanyang anak ngunit laging tinatanggihan ni Hayes ang mga binibigay niya tulad na lang ng pera.  Imbes na magalit si Hidalgo sa kanyang panganay na anak na si Hayes ay natutuwa siya dahil nakikita niya ang pagsusumikap nito na hindi ito umaasa sa kanya. Ang ayaw lang niya ay umibig si Hayes sa kapareho nitong kasarian at callboy pa ang inibig nito.  Gumawa ng paraan si Hidalgo para mapaglayo niya si Hayes at Eduardo. Akala niya ay nagtagumpay siyang mapaghiwalay ang dalawa ngunit sa nakalipas na labing limang taon ay nalaman niyang hinahanap pa rin ni Eduado si Hayes.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
620.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

NINONG III

read
365.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook