Callboy 2

1160 Words
Anak Ng Callboy 2 Chapter 2 "Hindi pa rin ba sumusuko si Eduardo, kay Hayes?" usisa ni Helga.  Kilala ni Helga ang callboy na kasintahan ng anak sa labas ng kanyang asawa. Ilan beses na rin niya ito nakita at nakausap. Natutuwa siya sa kanyang nalaman na makalipas ng labing limang taon ay muli itong nagpakita. Natutuwa siya hindi dahil masaya siya na muli na naman magtatagpo ang mga landas nila Eduardo at Hayes. Natutuwa siya dahil nabuhay na naman ang galit ng kanyang guwapong asawa sa anak nito sa labas na si Hayes. At ang nagpapasaya sa kanya na malaman niya sa mismong asawa niya na hinahanap na naman pala ni Eduardo si Hayes.  Alam ni Helga na may anak sa labas ang kanyang asawang si Hidalgo at si Hayes iyon. Natuwa siya noon nang malaman niyang bakla ang panganay na anak ng kanyang asawa. Dahil doon ay galit na galit si Hidalgo sa nalaman nitong bakla ang panganay na anak nito.  Kumuha ng pribadong imbestigador si Helga pa malaman ang bawat kilos ni Hayes. Natuwa siya ng malaman niyang meron itong kasintahan na callboy. Lihim niyang kinausap ang kasintahan na callboy ni Hayes na si Eduardo Arizab at sinabihan niya itong ituloy lang nito ang pakikipagrelasyon kay Hayes. Para sa ganun ay lalong magalit si Hidalgo sa anak nito sa labas.  Gusto lang naman ni Helga na matuon ang pansin ng kanyang asawa sa dalawa niyang anak na si Priscilla at Gael. Mahal na mahal niya ang kanyang kambal na anak at gagawin niya ang lahat para lang maproteksyunan ang kanyang dalawang anak.  "Malamang dahil hinahanap na naman nito si Hayes. Maayos at tahimik na ang buhay ng anak ko bilang isang propesor sa West View University. Ayoko na naman magulo ang buhay nito tulad noon," seryosong saad ni Hidalgo.  Sobrang pinagmamalaki ni Hidalgo ang kanyang panganay na anak na si Hayes. Dahil nakapagtapos ito sa kolehiyo na hindi umaasa sa kanya. Nagtrabaho ito habang nag-aaral para may pangtustos ito sa pag-aaral nito.  "Ano na naman ba ang ginawa mo sa pagkakataon na ito?" ngiting tanong ni Helga.  "Tulad ng dati," maikling sagot ni Hidalgo.  Hindi na mabilang ni Hidalgo kung ilang beses na ba niyang pinabugbog si Eduardo? Sa pagkakataon na ito ay mas matindi ang pambububog kay Eduardo na inutos niya kay Antonio. Sinisigurado niya na hindi na ito makakalakad para hanapin si Hayes. At sinisigurado rin niya na hindi malalaman ni Hayes ang kanyang ginawa.  Ilang beses na kinausap ni Hidalgo si Eduardo na layuan nito ang kanyang anak na si Hayes dahil ayaw niyang masira ang buhay ni Hayes. Kahit na anak niya sa labas ito ang gusto niya ay si Hayes ang magmana ng mga ari-arian niya. Masyado pang bata ang dalawa pa niyang anak kay Helga at hindi niya puwedeng ipagkatiwala ang yaman niya sa kanyang asawa na si Helga.  "Alam mo Hidalgo, mas mabuti pa ay lumabas na lang tayo kasama ang dalawa nating anak. Para kahit papaano ay makapag-relax ka," ngiting sabi ni Helga.  Natuwa si Helga na pumayag ang kanyang guwapong asawa na si Hidalgo. Sinabihan pa niya na mamaya lang nito ipagpatuloy ang presentasyon na ginagawa nito. Nanatili pa rin nakalingkis ang kanyang kamay sa matipunong braso ng kanyang asawa. Sabay na silang lumabas ng opisina nito at nakita nila si Antonio na papalapit sa kanila.  "Antonio, puwede bang pakitawagan sila Gael at Priscilla sabihin mo sa kanila na aalis kami ngayon din," maawtoridad na utos ni Hidalgo.  Nakita ni Hidalgo na napatango si Antonio sa sinabi niya at umalis na ito sa kanyang harapan. Naglakad sila ni Helga papunta sa may sala para hintayin ang kambal niyang anak na sila Priscilla at Gael.  Habang hinihintay nila ang kanilang anak sa may sala ng bahay nila naisipan ni Hidalgo na isama ang kanyang panganay na anak na si Hayes. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa sa suot niyang black slack pants at nagtipa siya ng mensahe kay Hayes. Sinabihan niya ito na pumunta sa bayan ng Prado sa Rald's Box Café. Hindi na niya hinintay pang mag-reply ito dahil alam niyang sa ayaw at sa gusto nito ay pupunta ito sa nasabing lugar. Ibinalik niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya at napatingin siya sa kanyang asawang si Helga.  "Don't tell me Hidalgo, pati si Hayes, ay inaya mong sumama sa atin?" seryosong tanong ni Helga.  Nakataas ang kanang kilay ni Helga habang nakatingin ito kay Hidalgo. Nakita niyang tumango ang kanyang asawa sa katanungan niya. Napapailing na lang siya dahil ayaw na ayaw niyang nakakasama at nakikita ang anak sa labas ng kanyang asawa.  "May problema ba?" kunot noo tanong ni Hidalgo.  Walang magagawa ang asawa ni Hidalgo na si Helga kung isama niya ang panganay na anak niyang si Hayes. Kailangan din niyang makausap ang kanyang anak tungkol sa isang mahalagang anunsyo sasabihin niya mamaya.  "Wala naman," tugon ni Helga.  Napangiti si Helga ng makita niya ang kanyang dalawang anak na sila Gael at Priscilla. Tinanong ng mga ito kung saan sila pupunta at sinabi niyang sa bayan ng Prado sila pupunta sa paborito nilang coffee shop na Rald's Box Café.  "Puwede bang hindi ako sumama? May lakad kasi ako ngayon?" pakiusap na sabi ni Gael.  Hindi inaasahan ni Gael na aalis sila ngayon ng kanyang pamilya. May lakad pa naman siya ngayong araw na ito. Alam niyang kahit na nakiusap siya sa kanyang mga magulang ay sigurado siyang hindi siya nito papayagan. Nakita ni Gael na biglang sumeryoso ang mukha ng kanyang ama na si Hidalgo. Sinabihan siya nito na sa ayaw at sa gusto niya ay sasama siya ngayon sa pagpunta sa bayan ng Prado. Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa kundi sumama na lang.  Napakunot noo na lang si Gael ng lumapit at may ibinulong sa kanya ang kanyang kakambal na si Priscilla na ikinakunot lalo ng noo niya.  "Wag kang mag-alala may mga makikita ka pang mga boys doon," tukso ni Priscilla.  Napatawa na lang si Priscilla sa sinabi niya sa kanyang kakambal na si Gael. Alam naman niya na lalaki ang kikitain ng kanyang kakambal dahil hindi niya sinasadyang mabasa ang palitan ng mensahe nito sa isang nagngangalang Jules.  "Puwede ba Priscilla, hindi ko alam ang pinagsasabi mo," inis na sabi ni Gael.  Napatingin si Gael sa kanyang mga magulang na inaya na silang lumabas ng bahay dahil handa na ang mga sasakyan nila. Nakiusap siyang muli kung puwede niyang gamitin ang kanyang kotse ngunit agad na tumutol ang kanyang ama sa pakiusap niya.  "Gagamitin mo ang kotse mo para makatakas ka na naman?" seryosong tanong ni Hidalgo.  Hindi na hahayaan ni Hidalgo na makatakas ulit ang kanyang anak na si Gael. Lingid sa kaalaman nito ay alam niyang makikipagkita na naman si Hayes sa mga kaibigan nito. Ilang beses na niyang sinabihan ang kanyang anak na humanap ito ng ibang mga kaibigan dahil ang mga kaibigan nito ngayon ay puro mga patalon ang buhay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD