Anak 3

1093 Words
Anak Ng Callboy 2 Chapter 3 "What? Seryoso ka ba daddy?" gulat na tanong ni Gael.  Hindi makapaniwala si Gael sa sinabi ng kanyang ama na lilipat sila sa bayan ng Isidro sa Inarez Subdivision. Ibig sabihin iyon ay mapapalayo siya sa mga kaibigan niya. Hindi na niya makikita araw-araw ang mga kaibigan niya dahil medyo malayo ang bayan ng Santiago sa bayan ng Prado.  Nandito na sila sa bayan ng Prado sa main store ng Rald's Box Café. Sa pagdating nila sa café ay nadatnan nila ang kanyang step brother na si Hayes Dacua ang anak sa labas ng kanyang ama. Kung kanina ay sarap na sarap sa pagkain si Gael sa kanyang kinakain na classic carbonara pasta. Matapos marinig ang sinabi ng kanyang ama ay nawalan na siya ng ganang kumain.  "Sa ayaw at sa gusto mo ay lilipat tayo sa susunod na linggo," maawtoridad na sabi ni Hidalgo.  Matagal na plinano ni Hidalgo ang paglipat nila sa bayan ng Isidro sa Inarez Subdivision. Gusto niyang mapalapit sa kanyang anak na si Hayes. Gusto niyang makabawi sa mga taon na wala siya sa tabi nito. Nagpapasalamat siya ngayon na dumating si Hayes sa Rald's Box Café. Alam niyang darating ito dahil kilala siya nito kapag nagalit.  "Buti naisipan mong lumipat daddy?" usisa ni Hayes.  Nakatanggap ng text message kanina si Hayes galing sa kanyang ama. Sinabihan siya nito na pumunta sa bayan ng Prado sa Rald's Box Café. Hindi na siya nag-abala pang mag-reply dahil alam ng kanyang ama na darating siya sa ayaw at sa gusto niya.  Kahit na ayaw pumunta ni Hayes ay pumunta pa rin siya dahil kung hindi siya pupunta ay magagalit na naman sa kanya ang kanyang ama. Kahit na ayaw niyang makita ang legal na pamilya ng kanyang ama ay napilitan siyang pumunta rito sa café na ito.  Nabigla si Hayes sa biglang pag-anunsyo kanina ng kanyang ama na lilipat ito kasama ang legal na pamilya nito sa bayan ng Isidro sa Inarez Subdivision. Kitang-kita niya ang pagkagulat ng dalawang anak nito at ang legal na asawa ng kanyang ama na si Helga.  "Gusto ko lang maiba ang paligid. Tsaka may plano akong magpatayo ng mga negosyo sa bayan ng Isidro," seryosong tugon ni Hidalgo.  Totoo ang sinabi ni Hidalgo na may balak siyang magpatayo ng negosyo sa bayan ng Isidro. Nakausap na rin niya si Mr. Henry Chua na isa sa maimpluwensyang tao sa bayan ng Isidro. Makikisosyo ito sa itatayong negosyo niya.  "Kaya ba pinaayos mo ang mga papel nila Gael at Priscilla, sa akin?" kunot noo tanong ni Hayes.  Nakita ni Hayes na patango ang kanyang ama sa kanyang katanungan. Nagtaka siya noon kung bakit pinapaayos ng kanyang ama ang mga dokumento na kinakailangan nila Gael at Priscilla para makapag-aral ang mga ito sa West View University. Kung saan doon siya nagtratrabaho bilang isang college professor.  Akala ni Hayes ay sila Gael at Priscilla lang ang lilipat 'yun pala ay pati ang kanyang daddy at ang legal na asawa nitong si Helga. Minsan na siyang kinausap ng kanyang ama na kung puwedeng pakitignan niya ang dalawang kapatid niya sa pagpasok ng mga ito sa West View University.  "Kuya Hayes, alam mo na ililipat kami ni daddy ng university?" gulat na tanong ni Gael.  Napapailing na lang si Gael sa kanyang nalalaman ngayon. Wala siyang kaalam-alam na ililipat pala sila ng university ng kanilang ama. Hindi siya makapaniwala na iiwanan niya ang kanyang mga kaibigan dahil lilipat na siya ng university na pinapasukan. Bukod sa mga kaibigan niya ang iniisip pa niya ang isang especial na lalaki sa buhay niya na malalayo sa kanya.  Tatayo na sana si Gael para umalis at para na rin makauwi siya dahil ayaw na niyang pakinggan ang sasabihin pa ng kanyang ama. Gusto na lang niya magpahinga sa loob ng kanyang kuwarto. Ngunit biglang nagsalita ang kanyang ama na ikinatigil niya.  "Kapag tumayo ka dyan Gael, siguradong hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko sa'yo," maawtoridad na sabi ni Hidalgo.  Walang nagawa si Gael kundi manatili sa kanyang kinauupuan. Aaminin niya sa kanyang sarili na takot siya sa kanyang ama. Napatingin siya ng masama sa kanyang nakakatandang kapatid na si Hayes.  Hindi naman lingid sa kaalaman ni Gael na anak sa labas ng kanyang ama ang Kuya Hayes niya. Ngunit hindi ito naging hadlang sa pagiging malapit nila sa isa't-isa. Alam niyang hindi magkasundo ang ina niya at ang Kuya Hayes niya. Nagpapasalamat siya na magkakasundo silang tatlong magkakapatid.  "Wag mo kong tignan ng ganyan Gael. Si daddy ang may kagustuhan na ilipat kayo sa West View University. Wag kayo mag-alala siguradong magugustuhan ninyo roon," ngiting sabi ni Hayes.  Natutuwa si Hayes na tinuturing siyang kapatid nila Gael at Priscilla. Kahit na minsan lang silang magkita ay hindi pa rin nawawala o nababawasan ang pagmamahalan nilang tatlong magkakapatid. May mga pagkakataon na sila magkasundo sa mga bagay-bagay. Aminado si Hayes na masyadong matigas ang ulo ni Gael kumpara kay Priscilla na masunurin sa mga utos ng kanilang ama. Mas malapit siya kay Gael kaysa sa kakambal nitong si Priscilla. Minsan ay nakikita niya ang kanyang sarili kay Gael na laging kumokontra sa kagustuhan ng kanilang ama.  Natapos na silang kumain at sinabihan si Hayes ng kanyang ama kung puwedeng isama niya ang kanyang dalawang kapatid sa West View University. Para makita  ng mga ito ang kagandahan ng unibersidad na pinagtratrabahuhan niya.  "Nakakainis ka Kuya Hayes, hindi mo man lang kami sinabihan na pinapaayos pala ni daddy ang maglipat namin sa West View University?" inis na tanong ni Gael.  Nagpapasalamat si Gael na tapos na silang kumain para hindi na niya makita ang kanyang ama. Hindi niya talaga nagustuhan ang sinabi ng kanyang ama na lilipat sila ng bahay at lilipat sila ng unibersidad na pinapasukan ng kanyang kambal na si Priscilla.  Ngayon ay papunta sila ngayon sa West View University para makita nila ang kagandahan ng unibersidad. Pero hindi siya interesado lilipatan nilang unibersidad. Hindi niya kaya iwan ang kanyang mga kaibigan lalo na ang especial na lalaki sa buhay niya na sobrang napalapit ang kanyang loob sa mga ito.  "Alam mo naman Gael, na kapag nagtanong ako kay daddy ay siguradong hindi niya ako sasagutin. Pero may idea naman ako kung bakit pinapagawa nito ito sa akin," tugon ni Hayes. Noon ay hindi natatakot si Hayes sa kanyang ama ngunit nang malaman nito na bakla siya ay doon na nagsimula ang takot niya sa kanyang ama. Ngayon na may edad na siya ay sinusunod na lang niya ang kagustuhan ng kanyang ama para wala na rin problema. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD