Anak Ng Callboy II Chapter 28 "Anong ginagawa ninyo rito?" seryosong sabi ni Jagger. Bigla na lang kumulo ang dugo ni Jagger ng makita niya ang grupo nila Gunner na papalapit sa may chapel. Kaya naman bago pa ito makalapit sa chapel ay sinalubong na niya ang mga ito kasama niya si Benz at lima pang miyembro ng gang niya. "Hindi kami nandito para makipag-away Nandito kami para makipaglamay sa ama ni Raddix," seryosong tugon ni Gunner. Inaasahan na ni Gunner na makikita niya ang p*tanginang pagmumukha ni Jagger dito sa burol ng ama ni Raddix. Alam naman niya na teritoryo ng Black Tiger Gang ang Malawi Compound ngunit hindi siya natakot na pumunta ngayon rito para makipaglamay. Inutusan ni Gunner si Rainer na alamin kung saan binurol ang ama ni Raddix at nalaman nito na sa chapel

