Anak ng Callboy II Chapter 13 "Oh? 'Di pa ba kayo uuwi? Ano gusto niyo gagawin namin? Papakainin pa namin kayo? Ang yayaman ninyo patay gutom kayo?" ngising sabi ni Jagger. Nandito si Jagger sa may sala para kausapin sila Gunner at ang mga alipores nito. Hindi niya inaasahan na kasama pala ni Raddix na pumunta rito sa headquarters sila Gunner. Nabigla nga si Jagger kanina ng biglang pumasok si Raddix sa loob ng kuwarto kanina ni Lexus. Hindi niya inaasahan na darating ito kanina at nagtaka siya kung bakit nito nalaman na nandito sa headquarters ang bunsong kapatid nito? Kanina ay kinausap ni Jagger si Raddix tungkol sa nangyaring sunog kanina at sinabihan din niya ito na sa kuwarto na lang niya ito matulog. Nguniy anong pilit o pakiusap niya ay ayaw ni Raddix na matulog na hindi ni

