Anak Ng Callboy II Chapter 24 "Ayos ka lang ba?" tanong ni Jagger. Katabi ni Jagger si Raddix sa upuan ngayon. Kakatapos lang nilang kumain ng tanghalian at inaya na muna niya ito sa may sala ng bahay niya upang makapagpahinga. Samantalang ang bunsong kapatid nitong si Lexus ay nasa kuwarto nanonood ito ng cartoons sa tv. "H-hindi ako okay Jagger. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala si tatay," malungkot na tugon ni Raddix. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ni Raddix na wala na ang kanyang ama. Kanina ay nakita niya ang kabaong nito at medyo kinabahan siya ng sabihin ng kanyang bunsong kapatid na gusto nitong makita ang ama nila. Hindi sana papabuksan ni Raddix ang kabaong dahil alam na naman niyang hindi na nila makikilala ang ama nila. Pero nagpumilit ang kany

