It Started with Me
Lianne POV
“Hoy, Lianne, anong tinatanga tanga mo diyan? Nag bell na ano ka ba!”Boses ng kaibigan kong si Mica ang nakapagpalingon sa akin mula sa pagkatitig ko sa may gate ng school. Narito kami nakaupo sa lilim ng isang catwalk papasok sa school. Nakasanayan na namin tumambay dito kapag umaga kasi dito ang zone ng Third Year Diamond kung saan kami kabilang na klase.
“Hindi ka pa ba sawa sa katitig mo diyan kay Ethan?Aba, first year pa lang tayo yan na ang tinatanaw mo. Mag retire ka na oy!” Segunda naman ni Tricia na inirapan ako. Sumimangot ako at ibinalik ang tingin ko doon sa lalaking abala sa pag inspect ng mga bags ng pumapasok sa school. Kabilang siya sa mga CAT officers na kung saan naatasan sila na tutulong sa mga guards ng school para magbantay sa gate.
“Tara na nga, baka pagalitan pa tayo ni ma’am” saad ko at tumayo na. Nakita ko kasing papasok na ang grupo ni Ethan sa loob ng school. Mas mabilis pa sa alas kwatro akong naglakad papunta sa room namin.
“Hooy! Tignan mo ito, kung kailan lalapit na ang crush saka naman aalis! Baliw ka yata eh!” Sigaw ni Mica sa akin kasunod si Tricia na tumatawa. Hindi ko na sila liningon baka makita ko lang si Ethan, magduda pa kung bakit andun kami palagi. Pumasok ako sa room namin at sakto naman na nandoon na si Mrs. Aguinaldo, ang aming adviser. Kiming sumunod sina Mica at Tricia na pumasok dahil kita nila ang pagkunot noo ng aming guro.
“Good morning class!”
“Good morning Mrs. Aguinaldo!” tugon naming lahat, yung halos hindi kami makahinga lahat dahil sa sobrang istrikto nito.
“As you know, malapit na ang Foundation Anniversary ng school. May mga contested activities tayo, so I need volunteers to represent our class.” Simula nito.
Nag iwas ako ng tingin ng dumako ang mata ni ma’am sa akin. Yumuko ako at kunwari nagsusulat ako sa aking notebook. Maraming suggestions sa mga iba’t ibang activities kung sino ang isasali hanggang sa…
“Ma’am si Lianne po sa oration or kanta” turan ni Ivan, ang President ng klase namin. Parang wala akong narining sa tinuran nito at sige parin ako sa pagsusulat.
“Ms. De Vera, what can you say sa suggestion ni Ivan, are you in?” rinig kong tanong ni Ma’am.
“Hoy! Tawag ka ni Ma’am” untag sa akin ni Mica na nasa likuran ko lang at kinuha yung notebook na sinusulatan ko. Nag angat ako ng tingin para kay Mrs. Aguinaldo. Umiling ako.
“Why?” kunot noong tanong nito.
“I’m sorry Ma’am, I can’t po. Iba na lang po, mas deserving sila to represent our class po” magalang kong sagot.
“But you are the right one para sa contest na iyan—I mean, they won’t suggest unless you’re not capable, right class?” sabi nito at sabay sabay na nag yes naman ang mga classmates ko.
“Still po, my decision is final po. I can help naman po for the contest, ako na lang po ang magsusulat sa piece ng oration, si Rizza na lang po ang mag deliver” sabi ko at sinulyapan ang kaklase namin na nasa harapan. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng matamis, which means gusto niya ang suggestion ko.
“Thank you Lianne” She said at tinanguan ko ito saka ako tumingnin kay Mrs. Aguinaldo na kitang kita ko ang disappointment sa mukha.
“Ok, it settled then. Next month na iyan, so be prepared guys” sabi nito at nagsimula na siyang mag discuss sa aming lesson. After 30 minutes, nagpa activity siya sa amin saka ito lumabas dahil pinatawag sa office ng Department Head.
“Hooooy! Ano toooo???!” gulat ako ng kalabitin ni Mica ang balikat ko.
Lumingon ako dito at namimilog ang mata ko na hinablot ang notebook ko na kinuha niya kanina. Mulagat ako ng makita ko ang nakasulat. Ethan tapos may heart tapos pangalan ko. Grrrrrr! Ito na naman ang ugali kong hindi ko gusto na kapag gusto kung umiwas sa spotlight sa klase or school, kung ano ano ang naisusulat ko to get rid of that feeling na sa akin ang atensiyon ng lahat. Namumula akong umirap kay Mica
"Ano ka ngayon? Buking! Pa deny deny ka pa, ayan ang ebidensiya” kantiyaw niya na pabulong. Matalim ko itong tinignan.
“Bakit ka nangunguha ng notebook ng may notebook?” paangil kong turan.
“Gagi, mahaba na sana ang hair mo pero in denial ka kasi” pabulong na naman sabi nito sabay hablot ng ilang hibla ng buhok ko.
“Pero alam mo, bagay kay ni Espanol, ayieeeh sana mapansin ka na niya!” Kinikilig nitong patuloy at napangiti ako sa ginamit niyang pangalan ni Ethan. Yes, base sa pagkakaalam ko, half Spanish siya kaya makikita talaga sa kanyang physical features na may halong dugo ng foreigner.
“Ayiiieeeh, kinikilig ang denial queen!”
“Tumigil ka nga!” tinampal ko siya sa balikat at mas lalo pang humagikgik ito na kinawayan si Tricia na nasa kabilang sulok nakaupo. Kunot noo itong nakatingin sa amin, hindi siya makatayo dahil may taga lista ng tatayo at mag iingat sa klase. Sumenyas si Mica na itinuturo ako na nakikilig at parang naintindihan naman ng loka at ngumiti ito ng nakakaloko.
“Tumigil ka na diyan Mica, kanina pa nakatingin si Valerie sa atin, marami na tayong multa. Hmmmp, ikaw magbabayad yung akin” sabi ko.
“Whaaatt?! Bakit ako?!” napalakas ang kanyang boses at napatakip ito ng bibig ng lumingon ang lahat sa amin sabay “shhhhhhhhhhh”. Nag peace sign ito sa kanila at tinignan si Valerie na nagmamakaawa ang tingin. Tinaasan lamang nito ng kilay.
“Sipsip!” bulong nito at itinuloy na ang pagsagot sa activity namin.
Napangiti ako. Ganito kami sa klase, iba iba ang aming trip pero sa lahat ng klase sa school, kami ang laging awarded as most disciplined dahil sa istrikto ang aming adviser. Ako nga pala si Lianne Jade De Vera, third year na ako dito sa PNHS at kabilang ako sa star section. Simula first year, tinatanaw ko na si Ethan Fernandez. Minsan kasi itong kumanta sa isang program at doon nag start ang lihim kong admiration sa kanya. Hanggang tanaw lang naman ako dahil ako yung tipo na ayaw ng atensiyon ng lahat. Ewan ko ba, hindi ako komportable dahil masiyado nang marami ng atensiyon mayroon ako sa pamilyang kinabibilangan ko. Yung ako ang lagi ang napapansin dahil ang taas taas ng expectations ng family ko, mga aunts, uncles, cousins and other relatives sa akin. Ako daw kasi ang pinaka matalino sa aming lahat na magpipinsan. Hindi sa pagmamayabang, pero ang history kasi sa side ng family ng nanay ko, mahihina daw ang utak-I mean wala pang nagkaka honors sa aming magpipinsan, ako lamang. Kaya ayun kapag gatherings, sa akin lahat ng atensiyon which is I really hate. I believe na the more attention given to me, the more expectations and responsibilities will put on my back. Which is ayoko, ayokong ako ang magbubuhat sa kahit na kanino, sa family, relatives and even my classmates. That’s why since first year, hindi ako sumasali sa kanit anong contested activity sa school, ayaw kong madisappoint ang lahat sa akin dahil hindi ko na meet ang expectations nila.