“Trevor… huwag ngayon, nasa ospital pa ako,” mahinang tugon ni Maddie, bahagyang nakayuko habang hawak ang cellphone sa pagitan ng nanginginig niyang mga daliri.
Narinig niya ang pagtawa ng lalaki, mababa at halos bulong.
“Then I’ll go there.”
“Huwag na," mabilis niyang putol, para siyang kinuryente.
“Trevor, please. Si Tatay darating mamaya. Ayoko… ayoko silang magkaroon ng maling isip.”
Ilang segundo siyang hindi sinagot ng lalaki. Naramdaman niya ang panlalamig sa dibdib niya.
Hanggang sa marinig niya ang marahang paghinga nito.
“Okay,” sagot niya sa wakas.
“Pero gusto kong makita ka bago matapos ang araw, Maddie.”
Napakagat siya sa ibabang labi. Bakit ba ganito ang epekto ng boses nito sa kanya? Parang may humihila sa kanya pabalik sa lalaking hindi naman dapat siya nahuhulog.
“Trevor… hindi ko alam kung kaya ko.”
“Anong hindi mo kaya?”
Naramdaman niyang kumirot ang lalamunan niya.
“Hindi ko alam kung kayang… tanggapin ng puso ko ang ginagawa mo.”
Tahimik. Masyado tahimik.
Para bang kuryente ang pagitan nila.
Pagkatapos, dumating ang sagot niya—mababa, matatag, walang pasok ng alinlangan.
“Then don’t think. Just let me take care of you.”
Parang bumulusok ang puso ni Maddie sa sikmura niya.
“Trevor, hindi ako sanay na inaalagaan.”
“Well,” sagot nito na halos may ngiti, “simula ngayon, masasanay ka.”
Bibig pa lang sana siya para sumagot nang biglang may dumaan na nurse. Napatayo siya, kinabahan, at mabilis na inilipat ang phone sa kabilang tenga.
“Trevor, tawagan na lang kita mamaya,” bulong niya.
“Maddie.”
“Hmm?”
“Huwag mo akong tatakbuhan.”
She froze.
Hindi iyon utos. Hindi rin banta.
Pero may bigat, may pangako, may… pag-angkin.
“Hindi ako tumatakbo,” sagot niya.
Alam niyang kasinungalingan iyon—pero hindi na siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.
“Good.”
Tapos ay nag-end call siya.
---
Pagbalik niya sa loob, nakita niyang gumalaw ang Nanay niya, marahang dumidilat. Mabilis siyang lumapit.
“Nay, gising ka na?”
Mahina ang ngiti nito.
“Anak… kanina ka pa ba diyan?”
Napaupo siya sa tabi ng kama, pilit na itinatago ang kung anumang panginginig sa loob niya.
“Oo po, Nay. Nandito lang ako palagi.”
Hinaplos ng ina ang likod ng kamay niya, mahina pero mainit.
“Mukhang… may iniisip ka.”
Nag-iwas siya ng tingin.
“Wala po ‘yon.”
“Anak…”
Mahinang tawa ng Nanay niya.
“’Pag umiwas ka ng tingin, ibig sabihin hindi totoo ‘yan.”
Napapikit si Maddie.
Bakit ba kahit may sakit, ang Nanay niya pa rin ang nakakabasa ng puso niya?
“May lalaki bang… nag-aalala sayo?” tanong nito, mahina pero may saya.
Hindi niya sinagot.
Pero hindi rin siya makatanggi.
At sa pagngiti ng Nanay niya, alam niyang nahuli siya.
“Anak… hindi masamang mahalin ang sarili mo. Hindi masamang tanggapin ang pagmamahal ng iba.”
Biglang tumibok nang mas mabilis ang puso ni Maddie. mas mabilis pa kaysa kanina.
Dahil sa mismong sandaling iyon…
nagvibrate ulit ang cellphone niya.
Message from Trevor:
“I’m coming back later. I want to see you smile today.”
Para siyang hindi makahinga.
Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nagpatuloy ito.
Magsisimula na talagang maging delikado ang damdamin niya. Mukhang nahuhulog na rin siya kay Trevor.
Aminin man niya o hindi sa sarili niya ay may puwang na ito sa kanya, lalo at ito ang unang lalaki sa buhay niya.