Anak, kanina kapa tulala diyan, parang pagod na pagod ka.. Umuwi ka na muna ako na bahala sa nanay mo,"
Sinulyapan ko si tatay ng marinig ko siyang nagsalita.
"Sige po, tatay. Babalik nalang ako mamaya. Ano po ang sabi ng doctor?" Tumayo ako at saka nilapitan si Nanay.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Kumpara noong nakaraang buwan, ngayon ay tila bumabalik na sa dati ang kulay ng balat niya.
Mamula-mula na uli ang kanyang pisnge at ganoon rin ang kanyang balak. Maputi si Nanay kaya madaling makita kung may nagbago sa kutis nito.
Dati kasi noong hindi pa ito na-ooperahan ay masyado maputla ang kanyang balat. May mga pasa rin siya sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan. Iyon naman daw ang senyales ng kanyang sakit.
Na diagnose siya na may Cancer sa dugo. o Leukemia. Stage 2 na siya kaya sobrang hirap samin ni tatay ang makita siyang nahihirapan.
Lumapit na kami sa mga public hospital, Ilang kawani ng gobyerno para sana humingi ng tulong pero wala silang maiabot samin. Doon na ako nagdesisyon na tumigil na muna sa aking pag aaral at pansamantala maghanap ng raket para kay nanay.
Tutol si Tatay sa aking trabaho sa bar, pero wala na rin ito nagawa lalo may kalakihan ang perang kinikita ko sa pagsasayaw ko gabi gabi.
Pinangako ko na lang na hanggang pagsasayaw lang ako. Pero nag iba ang ikot ng kapalaran ko ng minsan tumawag si tatay.Nasa kalagitnaan ako ng pagsasayaw sa stage ng humahangos na nilapitan ni Kristine. Ang aking kaibigan na nakilala ko sa bar.
Isinugod si Nanay sa ER dahil sa labis na pagsusuka. Hanggang sa mawalan ito ng malay habang nagluluto sa kusina namin. Inabutan ito ni tatay na naliligo ng kanyang suka at walang malay sa sahig.
Isang buwan na rin ang lumipas mula ng ibigay ko ang aking p********e sa isang estranghero. Ginamit ko ang pera na binigay niya para ma-operahan si Nanay.
Sinabi ko kay Tatay umutang ako kay Madam V. Para mapagamot si Nanay.
Hindi naman ito nagkomento kaya di na rin ako nag kwento pa. L
Mabuti na rin dahil ayaw ko malaman niya ang ginawa ko para lang sa halagang 'yon.
" Aalis na po ako, tay," Nagmano ako sa kanya. Humalik naman ako sa pisnge ni Nanay bago ko ito hinaplos.
Napakaganda talaga ni mama. Kaya nagkaroon din ng magandang anak!
"Susunduin kaba niya uli dito?" Dahil sa sinabi ni tatay kaya natigilan ako.
Umiling ako bilang tugon.
" Hindi po, tay, marami din po siyang ginagawa kaya Alam ko na di 'yon pupunta."
" Ganoon ba, tawagan mo kaya tapos imbitahin mio sa bahay natin kapag nakauwi na itong nanay mo,"
" Sige po. Sasabihin ko po sa kanya," Tumango naman siya saka muling tumoon ang mga mata sa natutulog na asawa.
NAG AABANG ako ng masasakyan pauwi sa labas ng hospital ng biglang may pumaradang Isang magarang sasakyan na mukhang sa ibang bansa pa nanggaling.
Nang bumukas ang bintana niyon ay natanaw ko siya sa driver seat. Nakangiti sa akin. Kaagad tumahip ng malakas ang dibdib ko. Lumakas ang t***k nito.
Nakasuot siya ng kulay blue na long sleeves na tinupi sa dulo hanggang siko.
Napakaganda ng ngiti nito bago bumaba ng sasakyan para lapitan siya.
Napaatras ako.
" Hi. Am I late? Pauwi kana ba?" Tumayo siya sa harap ko. Nalanghap ko ang amoy niya.
Nanonoot sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango. Pero mas nangibabaw sa akin ang kakaiba niyang karisma habang nakayuko ng bahagya sa akin. Masyado siyang matangkad kaya para matitigan ako ay yumiyuko aiya.
I bit my lip.
"A-hmm, okay lang... Pauwi na rin ako naghihintay lang ng masasakyan. Anong ginagawa mo dito?" Tumaw siya
" Bawal ba?"
Hindi ako nakasagot
Nahihiya ako sa kanya. Isang buwan na mula ng may mangyari samin sa VIP room ng Royal Club, pero hindi pa rin niya ako titigilan kulitin.
" H-Hindi naman sa ganoon, pero k-kasi..." Napayuko ako. Takot salubungin ang kanyang titig. Masyado iyong malalim at para akong inaarok.
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso.
" Ihahatid lang kita, I promise. Wala akong gagawing masama sayo," Sinalubong ko nang tingin ang kanyang titig.
Ngumiti siya ng bahagya. Sa huli ay pumayag na rin ako lalo at malapit na rin gumabi.
Sa biyahe wala kami masyado imikan. Tahimik lang ako, Paminsan-minsan nahuhuli ko siyang tumititig sa akin pero hindi. Naman nagsasalita.
Bubuka lang ng bahagya ang kanyang labi pero kaagad din ititiko. Tahimik akong napapangiti sa tabi niya.
Nang marating namin ang bahay ay inalok ko siya sa loob. Hindi ito ang unang beses niya na makapasok rito.
Kilala na rin siya ni tatay.. Madalas kasi niya ako puntahan sa hospital kapag nagkakataon na ako ang nagbabantay kay habang nasa trabaho si tatay.
Nagdadala siya ng prutas at bulaklak. Ang sabi niya para daw iyon kay nanay. Pero may pakiramdam ako na hindi totoo 'yon.
o masyado lang ako umaasa na para sa akin talaga ang mga dala niya. Tsk.
" Kape," Alok ko sa kanya.
"Yes, please.." Aniya. Tumango ako at sandali siyang iniwan sa sala.
Nasa kusina ako para magtimpla ng kape niya ng masilip. Ko ang ginagawa niya. Nilapitan niya ang mga pictures ko na nakasabit sa dingding.
Pinamasdan niya ang mga ito. Napailing ako. Hindi ba siya nagsasawa kakatitig sa mga 'yan?
Sa tuwing narito siya ay yan agad ang tinitignan niya.
Matapos kong mag init ng tubig sa takore, Nilagyan ko na yung baso niya. Wala kaming mamahaling kape kaya stick na granules ang nilagay ko. Di ko nilagyan ng asukal kasi ayaw niya.
He's not into sweet food or even coffee.. Yan ang napansin ko.
" Ito na," Nilapag ko sa harap niya ang tasa na umuusok pa sa init.
" Thanks," Humigop siya.
Pinagmasdan ko siya. Naupo ako sa katapat niya.
"It seems you already know how to make me a coffee. It's perfect, no sugar. Tamang-tama rin sa pait," Nilapag niya yung tasa bago ako tinitigan.
Hindi ako nagsalita. When he tried to touch my hand I refused.
Siya naman ngayon ang natigilan. Napayuko ako.
" Pasensya na. Gusto ko lang sabihin sayo na malinis ang intensyon ko sayo, Maddie, " He said. Napatunghay ako sa kaniya.
" Ayaw kitang paasahin, Trevor, sabi ni tatay ay babayaran niya yung nagastos sa hospital. Kaya sana tanggapin mo 'yon. Ibabalik ko rin yung iba na hindi ko nagamit. Malaki iyon, isosoli kona,"
" I won't take it back."
"Ha?"
" Hindi ko tatanggalin kung isosoli mo," Pinal niyan sagot. Napabuntong hininga ako bgo sumagot sa kanya.
"Alam ko wala ka tiwala sakin, But I promise to have you in anyways I can," Matatag ang kanyang boses at mahirap na iyon tibagin.
Mukhang may nabubuo siyang plano sa kanyang utak na tanging siya lang ang may alam.
Hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba sa paraan ng mga titig niya
" Trevor, Hindi madali ang gusto mo. Pero s-susubukan kong bigyan ka ng chance," Ani ko sa kanya.
He smirked.
" Good decission," When he smiled, parang natunaw ang kaba sa puso ko at nagawa ko rin siya ngitian pabalik.
Napatayo ako, feeling ko parang may init na dumadaloy sa katawan ko sa sobrang lapit niya.
"T-Trevor, marami pa akong gagawin, baka kailangan mo nang umuwi," sabi ko, trying to play it cool.
He leaned back in his chair, ngiti pa rin sa labi.
"Okay, I'll go. Pero bago 'yon, gusto kong alagaan kita. You’ve been through a lot, Maddie." May diin sa boses niya na parang alam niya ang mga pinagdadaanan ko.
Napaluwag ako ng konti sa upuan, hindi ko inaasahang aalagaan niya ako
"A-alagaan? Paano?" tanong ko, curious na.
"Tutulong ako sa mga gastusin ni Nanay. At sa'yo," aniya, diretso ang tingin. "No strings attached, promise. Gusto ko lang tumulong."
Natulala ako. Parang may parte sa akin na gustong sumang-ayon, pero may takot din. "Trevor, bakit mo ginagawa 'to? Hindi kita kilala," sabi ko, trying to keep my guard up.
He leaned in a bit closer, boses na naging seryoso. "Maddie, minsan, hindi kailangan ng dahilan para tulungan ang isang tao. Gusto ko lang."
Hindi ako nakasagot. Nakita ko ang sinseridad sa mata niya, at parang may parte sa akin na gustong sumuko. "S-sige, salamat," bulong ko.
Ngumiti siya, tumayo, at nilapitan ako. "I'll send someone to pick you up bukas. Gamitin mo 'to para kay Nanay, okay?" Kinuha niya ang kamay ko, at bago pa ako makareact, lumabas na siya ng bahay.
Naiwan akong nakatayo, confused pero may konting pag-asa.
Kinabukasan ay bumalik ako ng ospital para bantayan si Nanay, si tatay kasi ay papasok sa trabaho niya. isa siyang driver sa isang local company sa Ortigas.
Nag leave lang siya ng isang linggo para kay Nanay. ngayon na maayos na ang asawa ay puwede na ito ulit pumasok, siya naman ngayon ang magbabantay. tutal, hindi na rin siya pinayagan pa ni tatay niya na bumalik sa club.
At naiintindihan naman niya ang ama niya. at wala na rin siya balak bumalik roon.
Habang inaayos ang mga pagkain sa mesa na dala niya, napaigtad siya nang may tumawag sa kanyang cell phone.
" Sino 'to?" bulong niya.
nilingon niya ang ina na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog
" Sandale lang, Nanay, ha? sagutin ko lang 'to," paalam niya kahit na imposibleng marinig siya nito.
Lumabas siya saglit ng kwarto para sagutin ang tawag.
" Hello?" Narinig niya ang tila buntong hininga ng nasa kabilang linya. napakunot noo siya.
" It's me, Trevor," mahina siyang napasinghap.
" T-trevor, Anong kailangan mo?"
Bakit ba nauutal siya sa lalaking 'to?
" I missed your voice. can I see you?" mahina pero parang nang aakit nitong tanong sa kanya.
" Galing kalang sa bahay kagabi, 'di ba?"..
" Yeah. but I already miss you..." kasabay ng pag iinit ng pisnge niya ang ang paglakas ng t***k ng puso niya!
Ayaw man sana niya maramdaman iyon, pero kusa itong tumitibok para sa binata.
Mukhang delikado na talaga ang lagay ng puso niya!
Baka kapag nagpatuloy sa panunuyo sa kanya si Trevor, tuluyan na siyang mahulog rito.
--MISS MOON24📝