KABANATA 14 GABI NA NOON nang magpasya ang medical team para sa kanilang meeting patungkol sa kanilang unang aktibidad kinabukasan. Pero bago ang lahat ng iyon, kailangan muna nilang maghapunan at inatasan ng lahat na si Isiah na ang magiging cook nila. All the staffs of AGH ay alam na isang magaling na cook si Isiah. Napatunayan na nila iyon sa mga okasiyong nagdaan sa hospital. His bestfriend Allie would always boast how good of a cook Isiah is, kung kaya hindi na iyon naging sikreto pa sa mga kasamahan nila. This is the other reason why the trainees and some nurses go 'gaga' for the doctor. Sa tingin pa nga nila ay kahit ang mangilan-ngilan nilang nurse na mga lalaki ay may sikreto ring pagtingin sa kanilang doctor na kasamaang palad ay tila pinaglihi sa ampalaya. "Isabay mo na rin sa

