KABANATA 15 UMABOT ANG TAKIPSILIM at bandang alas-sais ay natapos ang paunang aktibidad ng medical team para sa mga kabataan ng Lanao. Kinabukasan ay tatapusin nila ang iba pang mga kabataan sa iba pang baranggay na sakop ng kanilang misyon para matutukan na pagkatapos ang mga senior citizen na siyang kanilang isusunod. Samantala, abala pa na kinakausap ni Elijah ang kaniyang mga tinyente patungkol sa magiging poste ng mga ito kinabukasan. Kahit nag-me-meeting siya sa mga ito ay hindi siya kumakalma, nagmamadali siya. At ang kadahilanan niyon ay ang dati niyang blockmate noong kolehiyo at naging kaibigan din na si Mawro. Sinabi kasi nito kanina na dito raw ito maghahapunan kasama nila and Elijah is very sure na dahil iyon kay Isiah. Ni hindi kasi nito tinantanan ang doctor kanina kahit i

