KABANATA 25 "LET'S GO BUD!" masayang tawag ni Isiah kay Captain Jr. na agaran namang tumakbo palapit sa kaniya. Tumawa si Isiah pagakalapit ng aso sa kaniya sapagkat dama niya kaagad ang excitement nito habang tinatalian niya ito ng leash. Kanina pa ito nag-aabang sa kaniya sa sala. Habang kumakain siya ng umagahan ay tutok na tutok ito sa kaniya. Kada tatayo siya o maglalakad ay aangat ang ulo nito at kakawag ang buntot, pero kapag titigil siya o uupo muli ay muli ring hihiga ang ulo nito sa sahig na tila natalo sa lotto. Sasabayan pa nang mahina nitong palahaw na tila naiiyak. "Okay, okay, calm down, bud." Hindi ito tumitigil sa pagdila nito sa kaniyang mukha. "Ready?" "Arf!" tumugon ito sa kaniya na tila sinasabi nitong,"oo." Mas lumawak ang ngiti ni Isiah dahil doon at hinawakan n

