KABANATA 24 "HALIKA NGA MUNA rito Isiah." Iyon ang pangbungad ni Allie kay Isiah sumunod na umaga. Mahina siya nitong hinila sa isang pasilyo ng hospital na walang tao at wala rin halos dumadaan. Tumingin pa muna ito saglit sa paligid bago bumulong kay Isiah. "Nagsabi ka ba kay Rimuel?" tanong nito. Kumunot ang noo ni Isiah. "Nang ano?" Nag-isang linya ang labi ni Allie at pinanlisikan ng mga mata si Isiah. Hindi naman kasi kaagad nakuha ng doctor ang ibig nitong sabihin. "Ang tungkol sa inyo ni Elijah!" sumbat nito. "Aba'y kagabi nagtatanong sa akin kung alam ko raw ba!" Napabuntong hininga si Isiah sa narinig. Iyon pala ang ibig nitong sabihin. Kahit man siya ay inakala na si Allie ang nagsabi kay Rimuel, pero hindi rin pala ito. Paano kaya nito nalaman? Mas kinabahan siya dahil b

