Napapangiwi naman sila Cloud at Trigger habang pinapanood si Jansen na kumakain ng pickle garlic habang na tuloy sa pag tatrabaho. Pinangakuan kasi ito ng ina na ibabalik nito si Jordan kapag maayos na ang lahat sa modern city at na ngako itong aalagaan si Jordan. Mahigpit din ang bilin nito na wag sasabihin sa ama nila na nakaka-usap nila ito. Kahit malungkot ang pasko at bagong taong ni Jansen okay lang basta nasa maayos na kalagayan si Jordan, iyon lang ang importante sa kanya. Na aawa din naman s'ya sa Papa nila na parang tumanda ng 5 taon after layasan ng ina, bugnutin na ito at laging galit, ang bilis din nitong pumayat. Aakalain mo dahil sa problema sa modern city pero ang totoo mas pino problema nito ang pagkawala ng ina kesa ang modern city. Nagagalit sa kanya ang ama n'ya dahi

