Natigilan si Jordan ng makita ang Ate Jeralyn n'ya na pumasok sa loob ng canteen ng company nila. Kita sa mukha nito na halatang gagawa ito ng gulo. Nakaramdam s'ya ng alarma at napahawak sa tiyan n'ya, wala si Jansen simula ng umuwi ito hindi na n'ya ito nakausap. Nalaman na lang n'ya ang malaking problema na kinahaharap ng Montenegro steel dahil sa nangyari malaking accidente sa Modern city na project na hawak ni Jansen ng makita n'ya sa TV at iniinterview ito at ang ama nito. Gusto man n'yang puntahan ito kaso lang nag-aalangan s'ya dahil kay Jeralyn baka makadagdag pa s'ya sa problema ni Jansen na kung kelan mag papasko 5 tao na ang namatay sa aksidente na isinisisi sa kapabayaan ng management ng Montenegro Steel. Hindi n'ya maiwasan na sisihin ang sarili kung 'di lang sana s'ya sin

