"Sabihin n'yo sa akin ang totoo?" sigaw ni Jeralyn sa ina. "Ate tumigil ka na hindi ka na nga nakakatulong ganyan ka pa." galit na sigaw ni Jayvee. "Tumahimik ka hindi ikaw ang kausap ko." sigaw ni Jeralyn. "Paano naging si Jordan ang anak ng mag-asawang mayaman na yun?" "Nag pa DNA test daw sila Ate."sagot naman ni Jayden. "Anong ginamit para sa DNA test." galit na tanong ni Jeralyn. "Yung brush ng buhok ni Ate Jordan." "Brush ng buhok kelan pa nag brush ng buhok si Jordan sinasabi ko na e. Akin ang brush na nasa kuwarto." galit na sigaw ni Jeralyn na pumasok sa kuwarto nila at hinanap ang suklay na tinutukoy pero wala na ang suklay n'ya sa kuwarto. "Tumigil ka na Jeralyn, hayaan mo na si Jordan." "Hayaan! Paano ko hahayaan ang babaeng yun, paano kung ako ang tunay nilang anak da

