Hindi magawang lumabas ng kuwarto ni Jordan dahil na ririnig n'yang nag wawala sa baba ang ate n'ya na may dalang maleta at nag papakilalang tunay na anak ng mga Florence. Ipinipilit nitong pag-aari nito ang brsuh na nakuha ng Mommy n'ya sa bahay nila. Natatakot s'yang humarap sa mga ito dahil na hihiya s'ya dahil pakiramdam n'ya totoong sinasabi ng Ate Jeralyn n'ya. Napalingon s'ya sa pinto ng marinig na katok sa pinto at boses ng katulong na nagtatawag. Pinatatawag daw s'ya ng magulang n'ya kaya kahit labag sa kalooban n'ya napilitan na s'yang lumabas. Pag baba n'ya naroon na pati ang Kuya Ziggy n'ya na nakatingin sa kanya. "Ito na ang impostor kong kapatid. Kapal ng mukha mo." sigaw ni Jeralyn na susugod na sana pero mabilis na humarang si Ziggy. "Wag mong dalahin dito ang asal squat

