“Atlas…anong ginagawa mo rito?” Hindi ko makapa ang tamang mga salitang dapat sabihin sa kanya. Inaasahan ko pa naman na si Hati na ito, just to see Atlas, standing proudly outside my apartment. Ni wala man lang pasabi na pupunta siya. Nagkibit balikat siya at ngumuso pa, halatang inaasar ako. “Nabalitaan ko sa mga pinsan ko na nakipagkita sila sa mga Benavidez habang nasa Spain sila. Nalaman ko na sina Hati at Avion ang kinita nila. May dalawang babae raw silang kasama. For Avion, it was his wife, and for Hati…sino kaya ang kasama si Hati?” Tumingin sa akin si Atlas at umakto na nag-iisip kahit na alam kong alam na niya kung sino ang kasama ni Hati sa Spain. This jackass knows how to pisses someone off. “Nang marinig ko iyon mula sa kanila, naisip ko na magandang dalawin ka at makipag

