Natigilan din si Hati dahil sa sinabi ko. Pinanatili ko lamang ang pilit na ngiti sa labi ko dahil ayokong mapansin niya ang pait na nararamdaman ko. Nanatiling tahimik si Hati habang nakatingin lamang sa akin. Kinabahan ako dahil doon. Ngunit nang makita ko ang pagngiti niya at paghaplos niya sa pisngi ko ay gumaan ang nararamdaman ko. “You think I will let that happen, Adira? Don’t worry, I have my plans just waiting to be executed,” sambit niya sa akin bago mababaw na paulanan ng halik ang aking noo. Hindi ko na nagawa pang makapagtanong muli kay Hati kung anong binabalak niyang gawin. Sa tingin ko rin naman kasi ay wala siyang balak sabihin sa akin. Kung tutuusin ay hindi naman big deal kung umalis na ako sa kompanya nila. Iyon nga lang, hindi ko na siya makikita nang madalas. Ma

