Ilang araw na rin akong nakakulong. Tanging ang tita ko lamang na kapatid ni Papa ang dumadalaw sa akin. Sinabi niya sa akin na naghahanap daw siya ng paraan para makahanap ng magaling na abogado para sa akin. Matipid lamang naman akong tumango bilang sagot. Hindi mo ako makakausap nang maayos. Madalas kasi ay wala ako sa sarili at hindi na naiintindihan ang mga sinasabi ng ibang tao sa akin. Tuluyan na lamang akong nawalan ng pakealam sa lahat. Narinig ko na ang nakuha raw na fingerprints doon sa baril ay akin. Hindi ko na iyon ikinagulat dahil maaaring parte ng plano ni Atlas na idiin ako sa kasong ito. With his money and influence, malamang ay nagawan niya iyon ng paraan. Dumadalas ang pagsusuka ko at pagsama ng pakiramdam ko. Iniisip ko na lamang na naninibago ako sa lugar. Kung mag

