Sa mga sunod na araw ay hindi ako lumabas ng aking apartment. May ipon pa naman akong pera pero alam ko na wala na rin naman akong trabahong babalikan. Ang kapal naman ng mukha ko kung magpapakita pa ako sa kompanya nina Hati matapos ang lahat ng nangyari. Lumalabas lamang ako ng bahay kapag kailangan kong bumili ng pagkain ko o kailangan kong mag-grocery. Averie congratulated me nang malaman niyang napawalang sala na ako. Nagpasalamat naman ako sa kanya at iyon na ang huling pag-uusap namin. Nang magbukas ako ng social media ko ay laganap ang post ni Averie. Inanunsyo niya ang tungkol sa engagement nila ni Hati. Na bukod daw sa nangyaring proposal ni Hati sa kanya ay may mas engrandeng gaganaping engagement party at imbitado ang lahat. Kaagad kumirot ang puso ko nang mabasa at makita

