“HATI!” Napatigil ako sa paglalakad ko nang may tumawag sa akin. Hinarap ko si Zavian na siyang tumawag sa pangalan ko kanina. Sa tabi niya ay si Silas. “Saan ang punta mo?” tanong nito nang makalapit sa akin. Nakasakbit na sa aking balikan ang bag ko at tinatangka nang umuwi ng bahay. Wala na rin namang kwenta ang klase mamaya. Tatakasan ko na lamang. “Uuwi na,” matipid na sagot ko sa mga pinsan kong kaklase ko rin naman. Nasa high school pa lamang naman kami kaya sa tingin ko, hindi kaso kung madalas akong umabsent sa isang klase. Isa pa, kahit naman ganoon ang ginagawa ko ay nakakapasa pa rin naman ako. Ang dali lang naman ng mga exams. “May klase pa tayo,” malamig na saad naman ni Silas. Magkatulad na magkatulad ang ugali ni Zavian at Silas. Parehong mailap sa taong, parehong m

