8 Jealous...

1249 Words
"Oh barak saan ka pupunta? sa beach tayo," ani Gareth. "Uuwi nako, nakakaantok," tugon ni Xianthel habang naglalakad papalayo. "Xianthel wait! sabay na tayo," pqghqbol naman ni Anthonette. "Maaga pa, 0wede pa tayong magswimming,' ani naman ni Justine. "Magswimming kayo, wala namang pumipigil senyo, lumangoy kayo yanggat may dagat!" ani Xianthel. "Ang killjoy naman nito, bigla na lang mangiiwan," ani Gareth. "Ako pang naman kasi ang uuwi, hindi ko namqn dadalhin yung dagat, bakit ba ang aarte nyo?" nakqeimqngot na si Xianthel na patuloy padin sa paglalakad at sinusundan ng tatlo. "Tara na nga magswimming na tayo, may topak na naman si barak hayaan nyo na," ano Gareth sabay hawak sa braso ni Anthonette para pigilan ito sa pagsinod kay Xianthel. Lalo namang nagmadali sa paglalakad ang dalaga at hindi man lang nilingon ang mga kasama. Wala namqn siyang pakialam kung magswimming ang mga ito o hindi, base sa mga nangyayari kanina buhat ng magikot sila ay enjoy na enjoy naman ang mga ito, lalong lalo na si Gareth, ni hindi nga siya napapqnsin nito at panay nalang si Anthonette ang inaasikaso na tila batang munti pa kung alalayan. "Akalq mo kung sinong maalaga,paimpress masyado," bulong sa sarili ni Xianthel, " Feel na feel naman,napakaarte ng babaeng 'yon, akala nya prinsesa sya dito! ako ang anak ng may ari, bisita lang sya!" muling bulong ng dalaga sa saeili. "Selos ka lang!" biglang nawika ni Xianthel sa sarili. "Whaaqt? me jealous? no way!," tugon din niya sa sariling tanong. "Sus! nabubuang kana Xianthel, kinakausap mo na ang sarili mo!" ani Xianthel sabay tapik sa sariling noo. "Anak nalabalik ka na pala, nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ng ina ni Xianthel. "Nagsuswimming ma," tugon ng dalaga. "Bakit andito ka na? masamq ba qng pakiramdam mo?" nag aalalqng tanong ng ginang. "Inaantok ako ma,gusto kong magpahinga," ani Xianthel. "By the way three days from now dadating na yung gown mo,maisusukat mo na," masiglang balita ng ginang. "Akyat muna ako sa room ko," nagkibit balikat lang na tugon ni Xianthel sa ina.Napapailing na sinundan na pang ito ng tingin ng ginang. "Hindi kaba sisilip sa resort mamaya anak? para mapanood mo si Anthonette," pahabol ng ginang, lumingon lang si Xianthel sa ina at nagtaas ng dalawang balikat bilang tugon.Pati ba naman ang mommy nya puro si Anthonette na lang ang bukang bibig. Mahigut isang oras ng pabiling biling sa kama si Xianthel ay hindi naman siya makatulog, pabqlikbalik sa balintataw niya ang mga imahe ng sweet na sweet na sila Gareth at Anthonette, inaasikaso din naman siya ni Justine subalit hindi niya ito binibigyang pansin. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing mapapansin ang kakaibang tingin at ngiti ni Gareth para kay Anthonette. "Magkababata kami ni Gareth,ako ang nauna kaya walang karapatan ang kahit sino na agawin sya," bulong ng dalaga sa sarili. "Huwag kang selfish Xianthel, hindi pupwedeng sa isa't isa lang umiikot qng mindo nyo," anang isang bahagi ng itak ni Xianthel, nqbubuang na naman ata sya,kinakausap na naman ang sarili. "Alam ko! pero hindi naman tama na basta na lang ako maetsapwera sa bubay ni Gareth ng ganon kadali! " bulong pa ni Xianthel sa sarili. "Jealous!" the heck, I'm not! "Barak! tulog ka ba?" napabalikwas si Xianthel, lumingon siya sa gawi ng pinto ngunit nahdadapawang isip pa din kung pagbubuksan ba niya si Gareth. "Barak! may sasabihin ako dali, importante," muling sigaw ng binata sa kabilang pinto. Hindi padin tumitinag si Xianthel. "Manigas ka diyan!" bulong ni Xianthel sa sarili,wala pa sya sa mood para makioag asaran kay Gareth. Nagtalukbong ng kumot si Xianthel,pipilitin na lang niyang makatulog, subalit nadinig niya ang pagbukas ng pinto, inaasahan naman niya yon,si Gareth paba,kahit hindi niya pagbuksan aypapasok oa din ito sa kwarto nya sa kahit anong paraan. "Barak may sasabihin ako sayo!" ani Gareth habang hinihigit ang nakatabong kumot ni Xianthel. "Ano ba? natutulog ang tao di makahintau,natatae ka ba?" inis na wika ng dalaga pero hindi pa din nagmumulat ng mata. "Hindi mo ako maloloko barak, hindi ka nakakatulog ng balot na balot!" wika ni Gareth, hindi talaga niya ito kayang linlangin,sa isipisp ni Xianthel, masyado siyang kilala nito. "Bakit ba kasi? nagpapahinga ako,I'm trying to sleep tapos nangiistorbo ka," ani Xianthel na napabangon na at sumandal sa headboard ng kanyang kama, tinabihan naman siya ni Gareth. "In love na ata ako barak!" ani Gareth na nakangiti at tila may kung anong imaheng naglalaro sa isip habang bahagya pa itong nakatingala. "Huh? ikaw? weh?" ani Cianthel na kuwaring di makapaniwala ngunit ang totoo ay may kung anong kaba siyang nararamdaman. "Seryoso ako barak, ngayun ko lang nafeel 'to,in love na talaga ako," muling wika ni Gareth. "Baka naman namamatanda ka parekoy?" biro pa ni Xianthel. "Barak naman, makinig ka,totoo sinasabi ko, mula noong una ko palang siyang makilala hindi na sya nawala sa isip ko, akala ko nga wala lang eh, pero noong makita ko sya ulit grabe,dug dug! dug dug!" wika ni Gareth at tinapiktapik pa ang sariling dibdib. "Sus! oh edi ano ngayon saken?" kaswal na tugon naman ni Xianthel na pilit pinapakalma ang sarili, hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya,para siyang sasabog na hindi mawari. "Nakakainis naman tong kausap, hindi mo man lang ba tatanungin kung sino? hindi ka man lang ba masaya for me?" kunwaring nagtatampo namang wika ni Gareth. "Pakialam ko naman kase, lovelife mo yan eh, bahqla ka kung anong feel mong gawin," tugon ni Xianthel. "Ito naman parang hindi best friend, tulungan mo na lang ako kay Anthonette," ani Gareth, para namang bombang bumahsak sa harapan ni Anthonette ang binitawang salita nito, sertoso naba talaga si Gareth? at sa kanya pa talaga magpapatulong eh bwisit na bwisit nga siya kay Anthonette. "Eh siraulo ka pala parekoy eh, ano namang malay ko sa pagkagusto mo kay Anthonette,hindi naman ako marunong manligaw anong maitutulong ko ga*o!" ani Cianthel sabay batok kay Gareth, gusto niyang pagtakpan ang pagkabigla sa sinabi nito. "Aray ko naman, hindi ko namqn sinabing tulungan mo akong manligaw,ang ibig kong sabihin tulungan mo ako kasi pareho kayong babae,syempre kung magiging close kayo malalaman mo kung ano ang mga gusto niya at hindi diba?" qni Gareth. "Pwede ba parekoy, huwag mo akong isali sa mga kalokohan mo, kung gusto mong manligaw bahala kang dumiskarteng mag isa," ani Xianthel. "Ito namqn oh, ngayun lang ako magpapatulong sayo, ayaw mo yon makakabayad kana sa lahat ng pagcover up ko sayo," wika pa ni Gareth. "So may listahan ka pala, sige bigay mo saken at isa isa kong babayaran, nakakahiya naman sayo diba!" nakapameywang pang wika ni Xianthel. "Hindi naman sa ganon,ikaw naman barak oh, sige na tulungan mo nako," nagsusumamo namang wika ni Gareth. "Tutulungan na sana kita kasi sinumbatan mo pa ako," kuwari naman nagtatampong wika ni Xianthel at pinagkrus pa ang mga braso sa harap ng dibib. "Sorry na, it's not what I ment," ani Gareth at inakap pa si Xianthel, agad namang kinalas ng dalaga ang pagkakayakap nito. "Ang init init ano ba,oo na matigil ka lang," ani Xianthel para matapos na ang usapan,pakiramdam kasi niya ay nahihirapan na siyang huminga. "Talaga? thank you! the best ka talaga barak!" tuwang tuwang wika ni Gareth at muling niyakap ang dalaga na agad din namang kumalae. "Oo na sige na,0wede na ba akong matulog?" ani Xianthel para maitaboy na ang binata. "Daanan kita mamayang 9pm ha,nood tayo ng gig ni Anthonette," wika pa ni Gareth bago lumabas ng silid ng dalaga, Xianthel just rolled her eyes before he close the door.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD