9 Indenial

1246 Words
Matagal ng nakikipagtitigan sa kisame ng kanyang silid si Xianthel, naguguluhan parin sya sa kanyang sarili. Mahirap ipaliwanag ang nararqmdaman nya patungkol sa ipinagtapat sa kanya ni Gareth, nakakqramdam siya ng kirot at pagkalito.In love si Gareth kay Anthonette, paulit ulit iyong sumisiksik sa kanyang isipan. "Eh ano naman kung in love sya, pakialam ko naman, best friend ko pang naman si Gareth, pasalamat nga ako sa akin nya unang sinabi," bulong ni Xianthel sa sarili. "Pero bakit nasasaktan ako? " muli niyang tanong. "Natatakot la lang dahil magkakaroon ka ng kaagaw sa atensyon ni Gareth," sagot ng isang bahagi ng utak niya. "So what? hindi naman sa kanya lang umiikot ang mundo ko!" tugon ni Xianthel sa sarili. "Buang kana Xianthel,kausap mo na naman ang sarili mo!" wika pa ni Xianthel sabay tapik sa sarili niyang noo. "Xianthel! pinapatawag ka ng mommy mo!" ani nana Silvia habang kimakatok sa pinto ng silid ng dalaga. "Susunod na po ako nana!" tugon naman ni Xianthel,iinot inot itong tumayo at lumabas ng kanyang silid. "Mom pinapatawag mo daw ako?" ani Xianthel sa ina ng puntahan ito sa sala. "Ikaw na muna ang magpunta sa resort ngayong gabi ha, nag emergency leave yung floor manager, samahan mo muna yung assistant nya,alam mo naman pag weekend maraming tao," wika ng ginang. "Sige ma,maliligo lang ako, agahan ko ang punta," ani Xianthel at nagpaalam na ito para bumalok sa kanyang silid. Dahil maaga pa ay nag aayos palang ang mga tauhan sa resto-bar ng resort ng madatnan ni Xianthel,maging ang banda ay nagseset up palang ng equipments at sound check. "Barak ang aga mo naman ata?" gulat na tanong ni Gareth, gayun din naman si Xianthel, ang sabi kasi nito kanina ay susunduin siya. "Aba parekoy,mas maaga ka ata saken, ang alam ko 9pm pa usapan natin ah," ani naman ng dalaga. "Sinilip ko lang practice ni Anthonette, susunduin na nga sana kita," tugon ni Gareth. "Sus! parang hindi naman,andito kana nga eh," sarkastikong tugon ni Xianthel. "Hi Cinthel!" bati ni Anthonette sa dalaga,nagmamadali pa itong lumapit at yumakap, muli ay ikinagukat ito ng dalaga,hindi talaga sya kumportable sa pagiging clingy nito. "Oh, hi!" ani Xianthel sabay kawala sa yakap nito. "Buti naman nandito ka, mas masaya pag andito kayo eh kumpleto tayo," nakangiting wika pa ni Anthonette. "Punta muna ako sa office,may inutos lang si mommy kaya maaga ako," paqlam ni Xianthel, ang totoo ay dahilan lang naman niya ito para makapagpaalam,naiinis sya sa sinabi ni Anthonette, " kumpleto tayo" seryoso? bakit kelan pa kami nagkaron ng group? ang alam nya sila lang ni Gareth ang magbest friend,kasali na pala ito. "Balik ka dito ha," pahabol pa ni Gareth, sumenyas lang naman si Xianthel ng okay at hindi man lang ito nilingon. Umakyat ang dalaga sa ikalawang palapag ng resto/bar, naupo ito sa loob at pinapanood ang nangyayari sa baba,may malaki kasi itong bintanang salamin kaya kita nya ang buong bar subalit hindi siya nakikita sa labas. Kunit noong pinagmamasdan ni Xianthel ang bawat kilos nila Garrth at Anthonette,nakatunghay ang binata sa stahe habang nagrerehearse ng kanta ang dalaga,kulang na lang ay mapanganga ito sa paghanga. "Sa akin ka ganyan noon," wika ni Cianthel sa sarili. "Pero ngayon may Anthonette ka na,eh di wow!" dagdag pa ng dalaga.Buang mode na naman ito,kausap ang sarili. "Sakit ba? selos na selos pero wala namang magawa," wika ng isang bahagi ng isip niya. "Sus! bakit naman kailangan may gawin ako,bahala sila sa buhay nila wala akong pake!" bulong ni Xianthel. Pero hindi na makatiis ang dalaga, napakaharot ng Anthonette na yon,oras ng trabaho nakikipagharutan! Agad itong bumaba,kumuha ng dalawang drinks sa bar at lumapit sa kinaroroonan ni Gareth. "Parekoy uminom ka muna!" agaw ni Xianthel sa atensyon nito. "Sweet mo ata barak,thank you," anito sabay abot sa inumin. "Ga*o! naaawa lang ako sayo,tuyong tuyo na kasi lalamunan mo," kaswal na tugon ng dalaga. "Hindi naman,bakit naman matutuyo lalamunan ko," ani Garrth sabay inom. "Kanina pa kasi kumakayat laway mo, baka madehydrate ka!" ani Xianthel sabay tawa ng malakas. "Sobra ka naman, ang galing lang talaga kumanta ni Anthonette,ang ganda pa parang anghel," nakangiting wika pa ni Gareth habang nakatuon pa din ang tingin sa stage. "Naks! mukang tinamaan kana nga ng lintik!" ani Xianthel sabay hataw sa balikat ng binata. " Grabe ang lakas talaga ng tama ni Anthonette saken, sya na ata ang first love ko," ani Gareth, natahimik naman si Xianthel,para syang sinuntok sa dibdib. Gusto na niyang magpaalam kay Gareth, parang hindi na nya kayang tanggapin ang mga nadidinig sa bibig nito,parang pinipiga ang puso nya. "Xianthel lika duet tayo!" sigaw ni Anthonette sa mic, nabigla naman si Xianthel,hindi niya alam kung naeexcite sya o nabubwisit,napaka feelingera talaga ng babaeng iyon, makakantyaw parang close na close na sila. "No thanks!" tugon naman niya. "Oo nga barak,sige na isa lang," sulsol naman ni Gareth. "Parekoy tigilan moko baka ikaw palunukin ko ng mic!" ani Xianthel. "Come on Xianthel, sige na isa lang," muling sigaw ni Anthonette,maging ang iba pang nakapaligid sa kanila ay nakikantyaw na din. Sa loob loib ni Xianthel ay pahamak talaga ang babaeng ito,ngunit sa iabilang bahagi ng utak niya ay may excitement naman siyang nararamdaman. "Isa lang ha, hindi kasama sa set to!" ani Xianthel at napilitan na itong umakyat sa stage.Naghiyawan naman ang mga staff ng resto/bar,syempre nakay Xianthel oadin naman ang loyalty nila,bukod sa anak ito ng may ari ay humahanga naman talaga sila sa pag awit nito,mas gusto nga nilang ito ang maging vocalist, dangan nga lamang at libangan lang talaga ito ng dalaga. Nagsimula ng pumailanlang ang musika, si Xianthel ang nagumpisang umawit, lahat ng atensyon ay nasa kanila,napakaganda talaga ng belending ng bises nila ni Anthonette, hindi naman maikakaila na mahusay din talaga itong kumanta, paborito ni Xianthel ang Loving Arms, subalit may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing kasabay niyang umawit nito si Anthonette,tila mas nanonoit sa kanyang damdamin ang bawat liriko at himig,tila siya tinatangay sa kung saan,bahagya pa nga siyang napipikit,at sa tuwing ididilat niya ang kanyang mga mata na mukha ni Anthonette ang tumatambad sa kanya ay oara siyang lumulutang. Aaminin niya sa sarili na tama si Gareth,para siyang kinakantahan ng anghel. "Woootwoooot!" sigaw ni Gareth habang todo sa pagpalakpak.Maging ang ibang nakapaligid sa kanila ay di rin magkamayaw sa pagpalakpak. "Ang galing nyo! sobrang perfect ng blending nyo!" anang pianist na si Lance. "Thanks! ikaw naman parang bago ng bago bro," pabirong wika ni Xianthel. "Iba talaga ang datong ng duet nyo,parang tinutubuan ako ng pakpak!" biro naman ng guitarist na si Allen. "Akalain mo yin,may lahi ka palang manananggal!" ani Xianthel na ikinatawa naman ng lahqt. "But seriously Xianthel, bakit hindi nyo gawin yan, isang duet every satyrday night,for aure dadayuhin lalo ng mga tao dito," anang assistant floor manager, nakalapit na pala ito s akanila. "Sure!" ani Anthonette. "Nah!" tanghi naman ni Xianthel at lumundag na ito pababa ng stage, hindi man lang nag abalang gumamit ng hagdan. "Let's give it a try Xianthel!" ani Lance. "No!" nariing tanggi ng dalaga. "I'll tell your mom,for sure she will agree," wika ng assistant. "Do it and you will loose your job!" matigas na pahayag ni Xianthel, hindi na umimik ang assistant manager l,kahit sino ay hindi na nakapagsalita, kilala nila si Xianthel,mabait ito ngunit hindi pweding pilitin sa hindi niya gusto,paniguradong gagawin nito ang banta.Parang walang nangyaring nagsibalik sa mga ginagawa ang lahat,takot sila pag si Xianthel ang nagalit, kahit ang mga magulang nito ay hindi nakakapalag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD